Chapter 2
*What a life*
"Ano Rina may naaalala ka bang taong may galit sayo?? Sabihin mo nang maiganti kita!!"
"Ella kaya ko na to... hayaan mo na lang ako ang gumanti sa taong yun!!"
*****************************************************************************************************
*LANCE >POV<*
"Hahahahahaha..........."
Sobrang natatawa talaga ako di ko mapigilan.... haha kulang na lang maglupasay ako kakatawa dito XD..
"Biro mo yun Gino di napansin nung boyish na yun na palihim kong nilagyan ng papel yung likod nya... kung hindi ba naman tanga haha"
"Oh Lance easy lang sa pagtawa baka mamatay ka na kakatawa dyan.. Ang panget naman pakinggan nun na may isang studyante namatay sa kakatawa lang"
Binatukan ko si Gino pero mahina lang "Wag ka ngang panira ng moment dyan!"
Nga pala, si Gino, close friend ko... sya yung tumulong saking makalipat dito sa bulok na school na to'... kung di lang sana--- psh...
Well ayokong mabadtrip kaya tyaka ko na lang ikukwento sa inyo kung bakit ako lumipat ng school... Di naman kayo siguro nagmamadali diba?..
Nasaan na nga ba tayo?? ah oo kinukwento ko nga pala si Gino...napakabait na bata niyang si Gino at napakatalino... Siguro nung nagpasabog ng katalinuhan at kabaitan ang langit ay saktong napalabas 'tong si Gino at nasalo lahat ng yun...
Ako naman tulog siguro nun? haha joke...
Teka masyado ko nang napupuri ang hinayupak na Gino na to' ah!?....
Sakit na talaga ng tyan ko sa kakatawa hahahaha...
"Hala Lance humanda ka ayan na sya!!" -Gino
*************************************************************************************************
*RINA >POV<*
Grrrr....
Sobrang naiinis na talaga ako....
Naglalakad na ako papuntang room....
Balibag kotong abot sakin nung pasang yun grrr....
Pagkarating ko ng room ay saktong andun yung Lance na yun na nakatayo at nakasandal sa lamesa sa harapan... Tawa ng tawa ang lalakeng yun habang kausap si Gino...
Wait... Close sila?????....
Teka Rina galit ka nga diba? kaya later ka na magtaka....
Napatigil bigla sa kakatawa si Pasa... Mukhang winarningan ni Gino... napatingin sya sa dereksyun ko... mabilis akong lumapit sa kanya at tinulak sya.. Bale dalawang beses ko sya tinulak kasi sa pangalawa kong tulak ay kasama na dun yung papel na nilagay nya sa likod ko..
"At anong kalokohan naman 'tong pinaggagawa mong lalake ka huh?"...
"Oh teka easy ka lang haha" At nagagawa pangtumawa ng kumag na to'... grrrrrr.....
Sa sobrang inis ko nasipa ko yung ANO nya... na dahilan ng pagkahiga nya sa sahig... Alam nyo na kung ano nasipa ko...
"Oh Lance ok ka lang??" nagpipigil ng tawa si Gino habang sinasabi yun at napatingin sya sakin na tipong di nya expect na yun ang gagawin ko...
![](https://img.wattpad.com/cover/1896382-288-k578509.jpg)
BINABASA MO ANG
I think im falling..
HumorPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?