Chapter 38
*Undying Love*
*Jefferson Mathew >POV<*
Ito na yata ang pinakamasayang araw para sakin :).. First time na tinawagan ako ni Ella.. May sasabihin daw kasi sya sakin ano kaya yun?.. baka narealize nyang mas gwapo ako kay Tristan kaya mas pinili nya ako? :D Teka sinave nya na ang number ko or tanda nya ang number ko? Sa tuwing tinitext ko kasi yun puro who you ang reply.. Hay kawawa naman ako.. Pero matagal tagal na yun.. hmm nung isang araw pa? yun kasi last text ko sa kanya haha.. Kalimutan na nga natin yun! Ang mahalaga ay masasamahan ko ang Ella ko ngayong araw at solong solo ko sya
:D..
Naku Matty boy umaasenso ka na! Sobrang proud ako sayo Haha..
Naglalakad na ako sa Park.. Side view pa lang alam kong sya na yun kaya dahan dahan ko syang nilapitan..
May kung ano syang sinisipa habang bahagyang nakasandal sa isang poste ng ilaw dito sa Park..
"Kanina ka pa?.." Tiningnan ko ang relo ko.. "Pero wala pang 3pm.. so di pa ako late hehe" Ang aga nya naman? Excited ba sya? haha ano ba yan napapangiti ako sa naisip ko XD
Inangat nya ang ulo nya at tumingin sakin .. "Andyan ka na pala" :) Di ko alam kung anong reaction ang ipapakita ko.. Ang mga mata nya medyo namamaga.. Halatang halata ko ang Fake smile nya..
Tinitigan ko lang sya.. Ito ang patunay na may pinagdadaanan sya.. kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya..
Iniwas nya ang tingin nya "Ta-tara na" At nagsimula na syang maglakad.
"Ella anong---"
"Matty look ang cute nung mga balloons" :)
"Oo nga" :) Halatang ayaw nyang pagusapan ang tungkol sa pamamaga ng mata nya kaya iniiba nya ang usapan.. Hayy..
Patuloy lang kami sa paglalakad.. Palihim ko syang tinitingnan..
Kahit ipilit nyang masaya sya.. nakikita ko paring malungkot sya.. Mas masakit pa ito kesa sa pambabasted nya.. Ayokong nakikita syang ganito..
"Ella masama ba ang pakiramdam mo? Ang putla mo kasi" Agad nyang kinagat ang lower lip nya at ang upper lip nya..
"Wa-wala to hehe.. sabi ko na nga may nakalimutan ako.. Nakalimutan kong maglipstik hehe"
"Gusto mo bang umupo muna tayo?" Pumayag naman sya kaya umupo kami sa pinakamalapit na bench..
"Hay"
"May problema ka ba Ella?"
"Hmm magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala" :)
Inamin nya din na meron.. pero bakit ganun? Di ko matanong kung ano yun.. dahil ba alam kong hindi nya ako sasagutin ng matino?
Di ko na nagawang magsalita kaya tuluyan nang natahimik..
Muli syang nagbuntong hininga na ikinalingon ko naman..
"Tinigil na ni Tristan ang panliligaw nya.."
Nabigla ako sa sinabi nya.. Magpaparty party na sana ang puso ko kaso..
"Hindi nya na daw kasi kayang lokohin pa ako.." Nagbuntong hininga sya ulit "Sobrang natablan daw sya ng konsensya"
Napakuyom ako ng isang kamay.. Ibig sabihin sya ang dahilan kung bakit malungkot si Ella? Parang gusto kong bumasag ng mukha ngayon!
Napatigil ako nang hawakan nya ang kamay ko..
"Salamat sa pagaalala Matty.. Pero ayokong magkasakitan kayo.. Kaya kung ano man ang balak mo.. please wag mo na ituloy" Halatang naramdaman nya ang galit ko.. Medyo lumuwang ang pakiramdam ko sa ginawa nya..

BINABASA MO ANG
I think im falling..
HumorPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?