Chapter 7
*Basketball match*
Lumilindol ba???
Umaalog yung kama ko eh? =____=
Ayoko pa bumangon or dumilat man lang. Inaantok pa akoooooo!
-___-
"Hoy Rina!"
"Sino ba yan? Natutulog yung tao oh!?" Sagot ko habang nakapikit parin. Sino ba kasi tong gumigising sakin? Eh ang pagkakaalam ko sabado ngayon? Walang pasok!!
"Utot mo Rina wag ka na maarte! Dali bumangon ka na ui!" Inaalog na nya ako ngayon!
"Eeeeeeeeeehhhh! Storbo naman oh!" Tinakpan ko ng unan yung mukha ko then tumagilid.
"Guys pano ba yan? Ayaw nya bumangon? Alam nyo na gagawin nyo...
SUGOD!!!"
"HAHAHA ta-tama na HAHAHA ayoko na HAHAHA.. Oo na ba-bangon na HAHAHA" Mga baliw 'tong mga kababata ko! Kiniliti ba naman ako? At sa bewang pa talaga nila ako tinarget ah? Alam nilang dun malakas yung kiliti ko! Kainis! Storbo talaga! =____=
"Oh kitams gising" - Ace
"Epal kayo! Storbo ng tulog!"
Meet ACE LORENZO GOMEZ
Gwapo, habulin, mayaman at sweet na kaibigan. Sya yung pinakaclose ko sa apat na ito.. Ayaw nya yung name nya na Lorenzo ang panget daw pero tinatawag ko syang Lorenzo pag naiinis ako sa kanya. magkaibigan nga pala yung Mama ko at Mama nya..
"Asus! Yan ang napapala ng pagpupuyat" - Jay-r
Yan naman si JAYRON RAFAEL ESTRELLA tawag namin sa kanya ay Jay-r..
Pangalan pa lang gwapo na no? Yeah pogi yan kahit masakit sa damdamin haha joke! Yan ang madalas di namin makasundo. May ugali kasi syang nakakairita.. Ipaglalaban nya yung gusto nya kahit mali naman talaga yung ganun? Isa pa.. Sya ang pinakamatinik sa chicks! 2 timer, di lang 2 kundi madami syang Gf's! Ewan ko ba kung pano nya napagsasabay sabay yun ng di sya nahuhuli?
"O baka may pinagpupuyatan talaga? haha ayieeeeeeeee dalaga na sya XD" - Matty
Epal talaga tong si JEFFERSON MATHEW ANGELES or Matty for short!!
Ang hilig nya mangasar, magbiro, magpatawa parang wala lang problema tong tao na to? Ako madalas pagtripan nito eh! Kasi ako lang ang di pa nagkakalovelife at tingin sakin nito ay Tibo! Magpapaparty daw sya kung magkakaboyfriend ako! Adik lang no? Pogi din tong si Matty. Pwede ng pagtyagaan charr hahaha. Halos wala namang patapon sa apat na to' eh. Yeah boys sila as in 4 handsome guys kaya naman madalas akong inaaway ng mga fans nitong apat na to! Kasi akala nila nakikipagFLIRT ako sa apat eh hindi naman talaga!! Masama bang magkaroon ng kaibigan na puro boys? at bonus pa dahil ang gwagwapo.. Nakakainis lang..
"Wow Rina new drawing mo?"- Adrian
Yeah mahilig akong magdrawing ng Anime..
At ang huli at di papahuli (nu kaya yun? XD) si ADRIAN KYLE ANGELES
Magkapatid sila ni Matty bale si Matty yung panganay at si Adrian ang bunso. Cute, isip bata yan si Adrian! Pinakaisip bata yan samin bale pumapangalawa sakin hahaha! Fan ko yan pagdating sa larangan ng pagguhit. Laging nakasalamin na wala namang glass sabi nya style daw parang loko loko lang nagmumukha tuloy lalo syang bata.. Hmmm may kamukha tuloy sya.. Sino ba yun?? Ahhh oo si Jun Jun ng ANGELITO ANG BATANG AMA haha..
"Hoy Adrian may sariling mundo ka nanaman haha" - Matty
"Nakakainis kayong apat ang aga nyo mambulabog! Ano ba meron?"
BINABASA MO ANG
I think im falling..
HumorPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?
