Chapter 3 - Nakakainis ka!

578 12 13
                                        

Chapter 3

*Nakakainis ka!*

Pagkamulat pa lang ng mga mata ko ay yung orasan kaagad ang hinanap ko. 6:00 am...

Hay buti naman maaga pa.. 8 am kasi pasok ko.

Inunat-unat ko yung mga kamay ko. Teka panaginip lang yung nangyari kahapon diba?? "Oo tama panaginip lang yun Rina.. pagkabukas mo ng pintuan walang Lance na bubungad sayo.. Tama tama hehe"

Parang siraulo ako na kausap sarili ko. Pero umaasa akong panaginip lang talaga lahat lahat.

Kinakabahan akong buksan yung pintuan pero dapat buksan ko to' nang malaman ko kung panaginip lang ba lahat?

Napapalunok ako. Eto na! Dahan- dahan ko nang binubuksan yung pintuan. *Insert sounds na panghorror*

(^-^)...........


(-.-)..............


(o.o).........................

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!"

"A-aray! Ang sakit sa tenga ng boses mo!! Ngayon ka lang ba nakakita ng bagong ligo???"

Saktong pagkabukas ko ng pintuan ay si Lance kaagad ang bumungad sakin. Kakatapos nya lang maligo. Nakatuwalya sya at topless...

Ganda ng katawan nya may Abs! >,<...

Natahimik ako bigla nung pagkasabi nya nun.. Dahan-dahan syang lumapit sakin..

Kinurot nya yung pisngi ko "Di ka nananaginip" Natulala naman ako dun. So narinig nya pala?... nu ba yan!! >_<

"Teka mag toothbrush ka nga ang baho ng hininga mo!!" Pasigaw nyang sinabi... Tinakpan ko ng right hand ko yung bibig ko tapos huminga ng malaman kung mabaho nga...

Tinitigan ko sya ng masama at kaagad sinarado yung pintuan.. for the first time nagagree ako sa kanya... Mabaho nga... nakakahiya naamoy nya pa! T^T

Bigla na lang nagflashback sakin yung nakita ko kanina...

Nagpupunas sya ng buhok nya gamit yung isang tuwalyang hawak nya habang kumikintab yung upper body nya.

Kitang kita ko talaga yung abs.. Ganda ng katawan nya >.<

Naramdaman ko na lang na parang nanginginit yung pisngi ko. Sinampal ko naman yung magkabilaang pisngi ko.. Nakakainis! Bakit feeling ko namumula ako?

Di nagtagal, lumabas din ako ng kwarto at dumeretsyo sa lababo para magtoothbrush.. nakakahiya naman kasi kay Lance eh =__=++

Pagkatapos ko magtoothbrush, pinuntahan ko kaagad yung t.v at binuksan. Buti na lang tulog pa si Riza wala akong kaagaw sa remote  ^-^

Madalas kasi kaming nagaaway kapag t.v na ang pinaguusapan! Gusto ko kasi lagi sa music channel eh.

Ayan nabuksan ko na! Sabay lipat sa Music Channel :)

Kung sinuswerte ka nga naman! You belong with me pa yung song at kakaumpisa pa langggg!!

Ehem ehem, Di nyo natatanong idol ko yang si Taylor Swift... Ganda kasi ng mga songs nya at ganda nya pa parang barbie lang :D

Kung papasok man kayo sa kwarto ko ang unang bubungad sa inyo ay yung malaking poster nya na nakadikit sa pader.. hehe di naman halatang idol ko sya no? XD..

*Np: You belong with me by Taylor Swift*

Tinapat ko yung remote sa bibig ko yung tipong ginawang mic yung remote.

I think im falling..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon