Chapter 17
*Ulan*
"Kahit sumigaw ka walang makakarinig sayo!"
Natatakot na talaga ako sa kanya... sa tono ng pagsasalita nya.. Wala na akong maatrasan may pader na..
Hinampas hampas ko sya.. Agad nya namang napigilan sa pamamagitan ng paghawak nya sa dalawang kamay ko.. Tuluyan nya na akong nakulong sa mga bisig nya..
Pilit akong lumalaban kaso ang lakas nya :(
Sigaw lang ako ng sigaw.. pero parang tama sya walang sino man ang makakarinig ng mga sigaw ko..
"Alex please.. Wag.. nagmamakaawa ako sayo" Humahagulgol na ako sa pagiyak.. Wala na yatang pakiramdam ang taong ito :(
May humigit kay Alex mula sa likod..
"HAYOP KA!!" Sinapak nya ng malakas si Alex na dahilan ng pagkabagsak nito sa sahig..
"Rina ayos ka lang?" Dali-dali syang lumapit sakin
"La-lance!"
"Wag kang magalala nandito na ako"
"Lance sa likod mo!"
Napukpok ni Alex ng kahoy si Lance sa ulo.. dahil dun ay napahiga sa sahig si Lance..
"LANCE!!" Patuloy akong humahagulgol ng iyak..
"Sino ka ba? Ano ka ni Rina?"
Unti-unting tumatayo si Lance..
"Huh? Ano nya ako? *smirk*"
Sumugod si Lance at sinikmuraan si Alex..
"BOYFRIEND NYA AKO!!!" Pasigaw na sabi ni Lance...
Kinuwelyuhan nya si Alex at sinuntok ulit..
"HAYOP KA! ANG LAKAS NG LOOB MO!! MAPAPATAY KITANG HAYOP KA!!"
"LANCE PLEASE TAMA NA!" Hinawakan ko ang braso si Lance para mapigilan ang balak nyang pagsuntok muli..
"Please Lance... tama na" ;( Mahinahon na pagulit ko..
Binitawan nya si Alex at sinipa..
"LANCE SABING TAMA NA!!" Hinila ko si Lance palayo..
"La-Lance yung ulo mo dumudugo!"
"Wag mo na intindihin yan ang mahalaga nailigtas kita sa hayop na yun!"
Nang makarating kami ng bahay ay agad kong pinaupo sa sofa si Lance para gamutin ang mga sugat nya..
Paano na lang kung di dumating si Lance?.. Siguro.. Siguro...
Hinawakan ni Lance yung pisngi ko.. Pinunasan nya ang luha ko..
"Wag ka na umiyak please? Di ko hahayaang lapitan ka ulit ng hayop na yun!" Napatingin ako sa isang kamay ni Lance.. Nakatiklop ang kamao nya na parang nagpipigil ng galit..
"Sabihin mo masama ba akong tao?.. Eh kasi may tao palang nasasaktan ng sobra ng di ko alam" ;(
"Yung tinutukoy mo ba eh yung hayop na yun?.. Kahit di ko alam yung tunay na dahilan.. Alam kong wala kang kasalanan.."
Mali... Meron akong kasalanan.. Mali ka Lance :(
Di na ako nagsalita at pinagpatuloy yung paggamot sa sugat ni Lance..
Natatakot ako.. Ayokong alalahanin ang mga nangyari pero kusa ko syang naaalala.. Nakakainis parang may sariling buhay ang mga mata ko.. Lumuluha sila kahit ayaw ko na umiyak :(
BINABASA MO ANG
I think im falling..
HumorPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?
