Chapter 28 - Picture

280 5 0
                                        

Chapter 28

*Picture*

grrr... lanyang lance yan!!! 

parang ginagawa nyang dahilan yung pilay nya para gawin akong utusaaaaaaaaaaaaaaaaaan!!!!!

bwiset!!!

tumatakbo na ako papunta ng classroom..

"oh ayan na yung burger!" sabay lapag sa may arm chair nya..

tiningnan nya yung relo nya "oh sabi ko 5 minutes, eh bakit 10 minutes bago mo nadala toh?"

"putek! eh ikaw kaya ang bumaba sa fourth floor dahil nasa 1st floor yung tindahan at makipagsiksikan sa mga istudyanteng bumibili? tingin mo ba kaya ng 5 minutes yun?"

kinuha nya yung burger at binulatlat..

"ayoko nito! walang ketchup! bumalik ka at lagyan toh!"

"aba naku makakatikim ka na talaga sakin!! ikaw kaya bumaba dun!" inangat angat ko yung sleeves ko! nakakainis!!!

tinuro nya yung tuhod nya..

"sa palagay mo ba makakaya kong bumaba magisa sa kalagayan kong ito? pag may nangyaring masama sakin ikaw ang una kong ituturo" at ngumiti sya ng nakakaasar!!!!!

kinuha ko yung burger

pero bago ako umalis....

pinisil ko yung ilong nya ng ng ng

napakadiin!!! at sabay takbo haha di nya ako mahahabol lumpo sya ngayon :P

pagkadating ko sa tindahan agad akong nakipagsiksikan at kukunin na sana yung ketsup ng bigla kong makita yung katabi nun..

hmmmm ano kaya kung...

kung hot ketsup yung ilagay ko? ahehe...

kinuha ko yung hot ketsup at nilagyan yun...

naiimagine ko pa lang yung reaksyon ni lance pag nakain nya ito natatawa na ako wahaha... namumula yung mukha nya habang nakalabas yung dila nya at pinapaypayan ito ng mga kamay nya bwahaha..

"tingnan natin kung di ka pagpawisan sa dami nito bwahaha"

"oh? anong orasyon ang ginagawa mo dyan?"

"ba-bakit ka nandito?" agad kong tinago yung burger at nilapag yung hot ketsup

"hehe bawal bang bumili ng burger? wala pa naman akong nakikitang karatula dito " lumingon lingon si gino

"ah eh hehe di naman yun yung ibig kong sabihin *kamot sa ulo*"

"nakabili ka na din diba? tara sabay na tayo umakyat :)" at ayun sabay kami umakyat ni gino my labs :))

----

"oh ayan na yung burger mong may ketsup!!"

"nakalimutan ko palang iutos sayo yung tu----"

"tubig ba kamo?" binuksan ko yung bag ko at naglabas ng bote ng tubig

"oh? ano gagawin ko sa bote ng tubig na walang laman?"

"isipin mo na lang may laman yan!!!!! bahala ka sa buhay mo!!!" nakakainis na paisa isa sya ng utos nakakapagod kayang bumaba at umakyat!!

dali-dali akong pumunta sa upuan ko at palihim na tiningnan si lance..

kinuha nya yung burger at dahan-dahang inangat..

palapit na ng palapit sa bibig nya..

unti-unti syang ngumanga at kinagat yung burger... yan na ayan na bwahahaha.. mamatay ka sa anghang *V*

I think im falling..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon