Chapter 12
*Field trip*
*Hikab*.. Nakakaantok.. Ang sabi 6:00 daw aalis na.. eh 5:55am na di pa nakakapunta sa kanya kanyang bus.. hanubeyen =__=
Field trip namin ngayon.. Masaya kasi 3 days yun! haha.. Excited na kaming lahat :))..
Sa di kalayuan ay may natanaw ako...
Ang sexy maglakad... Slow motion pa!... Ano sya nasa moon??..
Nakashades din... Napatigin agad ako sa langit.. Hindi naman mataas yung araw?..
Lumapit sya sakin.. Tinanggal yung shades nya.. Slow motion din at winasiwas pa ang buhok..
"Akala ko naman kung sino... Ikaw lang pala Ella" =__=
"Ayos ba ang entrance ko Rina?":D
"Oo.. Mukha kang Astronaut na may shades haha"
"Baliw!" Sabay hampas nya sa balikat ko..
"Teka ang dami mo namang dala? Magpapaiwan ka ba dun?"
May malaking maleta kasi syang dala tapos may bag pack pang busog na busog sa dami ng laman..
"Kasi naman nahihirapan akong pumili ng damit kaya dinala ko na lahat.. tapos may mga foods din akong dala.. Dinamihan ko na para sure.. Wag ka na magreact dyan! Makikinabang ka din naman!"
"Parang magkasama naman tayo sa bus!" =___=
"Edi sa beach!"
"Rina sino sya?" - Alyssa
Ay oo nga pala.. Di pa pala magkakilalaang tatlo haha...
"Alyssa and Erika sya si Ella, Bestfriend ko at Ella sila naman si Alyssa and Erika, Classmates ko"
Nagshake hands sila..
"Wow ang ganda mo naman Ella" Amaze na amaze na sabi ni Alyssa
"Ui di ah! hehe kaw din kaya maganda" - Ella
Ay nagbolahan ang dalawa.. Edi kayo na maganda =__=
Di din nagtagal at pinapasok na din kami sa kanya kanya naming bus..
Si Ella may taga bitbit ng gamit.. Ang daming nagvolunteer eh.. Nagaway pa nga yung ibang boys na kesho sila na lang daw ang magbubuhat.. Iba talaga pag maganda ka =__=
Number 13 yung bus number namin.. yung pinakahuling bus..
"Rina! Rina! tabi tayo dali!" - Alyssa
"Eh paano ako?" - Erika
"Sa lapag ka haha" - Alyssa
Bigla bigla na lang pinalo ni Erika yung gulugod ni Alyssa haha ang sadista naman pala nitong si Erika XD..
"QUIET! QUIET!!! Ang iingay nyo!.. May seating arrangement tayo!" - Teacher
"Uuuuuuuuuuuuuuuuhh ang panget!" - Kaming lahat..
Ang panget naman talaga kasi di yung gusto mong katabi yung makakatabi mo.. Nakakainis naman!
Boy - Girl arrangement pa tapos alphabetical.. Syempre si Lance yung katabi ko.. Nasa bandang likod sila Alyssa at Erika.. Walang enjoyment sa bus! Si Lance katabi ko! Nakakainis naman! >,<
"Ui palit tayo.. Ako sa may bintana"
"A-yo-ko" Dahan-dahan nya pangsabi.. Ay ang damot talaga nito!.. Bakit pa kasi si Lance yung katabi ko!? =__=
Tumingin ako sa bandang unahan.. Same pala kami ni Gino na di sa may bintana nakapwesto.. Ang swerte naman nung katabi ni Gino.. Kung ako sana yun edi sana sa may bandang bintana ako nakapwesto tapos ang saya ko pa kasi katabi ko si Gino my labs!.. Di yung kumag na to!.. Sabay tingin ng masama sa dereksyon ni Lance..
![](https://img.wattpad.com/cover/1896382-288-k578509.jpg)
BINABASA MO ANG
I think im falling..
HumorPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?