Chapter 1
*Mr. Holdaper!?*
Hay First day of class.... Walang masyadong pumasok na mga teachers at pati din mga classmates ko.. Nakakaboring dapat pala di na muna ako pumasok =__=
4th year High School nga pala ako.. Public School lang yung school ko di kasi kami mayaman eh.. Poor kami pero di totally poor kasi nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at may sarili din kaming bahay...
KRINGGGGGGGGGGGGGGGG!!!.......
Tumunog na ang bell at last subject na namin to so it means uwian na... :D
Pero di muna ako umuwi.. Dumeretso muna ako sa mall para bumili ng song hits...
hobby ko kasing tumugtog ng gitara.. :)
Medyo nagtagal ako sa mall... Nagwindow shopping muna ako sayang kasi yung oras wala naman akong gagawin sa bahay eh.... Inabot na ako ng 7pm sa mall at na napagdesisyunan ko na din na umuwi..
Nagaabang na ako ng Jeep sa labas at saktong may sounds yung Jeep na nasakyan ko.. di ako mabuboring nito :)
Music Lover kasi ako kaya ganun ^-^
Sa bandang dulo ako umupo, Yun yung paburito kong pwesto hehe kasi mas madali ang pagbaba..
*Now Playing: Jeepney Love Story by Yeng Constantino*
Napatingin ako bigla sa gilid ko, may gwapong lalaki kasi akong katabi :D
Landi lang eh nu? hehe...
Hmmmmm... Maputi sya, Medyo long hair at matangos ilong kaso nga lang mukhang Bad boy.. di kasi ngumungiti eh... pero pwede na din syang pagtyagaan haha..
Siguro pagpumasok to sa school namin magiging Campus Crush sya..
Ewan pero ang sarap nyang titigan... Pinilit kong wag na lang tingnan baka kasi mapahiya ako kapag napatingin sya sakin..
Ayun oras ko na para bumaba sa Jeep...
"Manong sa tabi lang po!"
Naglalakad na ako papuntang bahay pero bago ako makarating ng bahay kailangan ko munang dumaan sa madilim na Eskenita.. Nasira kasi yung mga ilaw sa Poste dito kaya tanging mga ilaw lang ng mga bahay ang nagsisilbing ilaw sa daanan pero di sapat yung ilaw na yun...
Nakakatakot talagang dumaan dito T_T
Napansin kong parang may sumusunod sakin..
Pero di parang...
Totoong may sumusunod talaga..
Lakad....... Lakad......... Lakad.........
Medyo binilisan ko lakad ko sobrang natatakot kasi ako...
Can somebody help me ?? Oh my! Malapit na malapit na sya nararamdaman ko.. Sobrang kinakabahan na talaga ako yung tipong malalaglag na yung puso ko sa sobrang takot.. T^T
Bigla na lang may humawak sa balikat ko mula sa likod... Nagautomatic na lang bigla yung kamay ko.. at nasapak ko yung nasa likod ko.. >__<
Ganun kasi ako eh kapag nagugulat nanununtok bigla.. Kaya wag na wag mo akong kakalabitin or gugulatin kasi yung kamay ko parang may
sariling buhay at nananapak na lang bigla...
Napaatras yung taong nasuntok ko.. Normal lang kasi malakas talaga ako manuntok pag nagulat...
Chance ko na to para tumakbo....
At tumakbo ako ng napakabilisss..
Nung makarating ako sa bahay, Si Mama kaagad ang sumalubong sakin at napansin nyang hinihingal, namumutla at nanginginig ako..
BINABASA MO ANG
I think im falling..
UmorismoPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?
