Chapter 19
*ANO DAW!!!??*
*Tok tok!*
"Ano ba!? Bilisan mo nga dyan!! Malilate na tayo oh!"
"Teka saglit lang! Nagsusuklay pa ako!"
"Pssh.. bilisan mo!!"
"Kung nagmamadali ka, mauna ka na lang!"
"Hindi pwede!! sa ayaw at gusto mo sasabay ka sakin!!"
"Pwes magantay ka dyan!!!"
Aissshhh.... Ano ba tong si Lance oh!? Ang aga aga namin magaway! Tinangghali kasi ako ng gising.. eh kung ayaw nya malate edi dapat nauna na sya.. Eh hindi eh! Sabay daw kami papasok! Sobrang pinagmamadali naman ako nito!! Aiiiisssh!..
Baka daw umaaligid pa si Alex kaya dapat daw sabay kami!!.. at isa pa! Si Mama! Hinabilin nya pala ako kay Lance..Nakiusap kung pwede ba daw akong bantayan..
Di dapat malalaman ni Mama yung mga nangyari kung di lang nagsumbong yang Lance na yan!!
Di ko naman kailangan ng bantay eh.. kaya ko sarili ko!
Kaya ko nang labanan si Alex..
Kinuha ko na yung bag ko at tuluyang lumabas ng kwarto..
Tumambad sakin yung iritang iritang mukha ni Lance.
"Ay sa wakas! natapos ka din!! tara na nga.,"
Hinatak nya ako palabas ng bahay.
Binilisan namin ang paglalakad.. halos patakbo na nga eh.. sobrang malilate na kami waaaaahh...
Tapos... Tapos... Pagdating namin sa school, ang taas pa ng aakyatin namin! wooooohhh..
Daig pa namin yung kasali sa marathon nito.
Palapit na kami ng room..
Malapit na....
Malapit na malapit na talaga...
Sana naman wala pa si Mam.
Tumatagaktak na ang pawis namin!
Pagkapasok namin ng room...
YES WALA PA SI MAM!!
Haggard look kaming dalawa ni Lance..
Tapos nalaman kong ABSENT pala si Mam!!
Yung feeling na nagmamadali ka tapos ABSENT naman pala? Hay naku naman sayang effort namin sa pagtakbo =__=..
"Haha tingnan mo Mare yung fes mo sa salamin.. Ang haggard haggard mo haha" - Alyssa
"Eh kung tinext nyo kaya ako na absent pala si Mam edi sana di ako nagmadali ng ganito!"
"Ang tanong... kung may number ka ba samin?" - Erika
Oo nga no? Wala pala sila Alyssa at Erika ng number ko! Natanga naman ako dun =__=
dahil dun kinuha ko yung number nung dalawa at kinuha din nila yung number ko.
---
Nung breaktime, halos magwala si Ella.. Nakwento ko kasi yung about kay Alex kaya ayun gustong patayin yun.. Sobrang nagagalit sya.. Eto ayoko eh.. Di naman pwedeng di ko sabihin sa kanya dahil malalaman at malalaman nya parin! Malakas pakiramdam nito eh..
Pinapakalma namin nila Alyssa ang nagagalit na si Ella.. Hahanapin kasi talaga nito si Alex.. Dadanak ng dugo pag nagkataon..
"ANG LAKAS NG LOOB NUN NA PAGTANGKAAN KA!! PAG YUN TALAGA NAKITA KO!!!" Hinampas ni Ella ang lamesa.
BINABASA MO ANG
I think im falling..
HumorPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?