Chapter 34 - Di mapaliwanag na saya

325 4 5
                                        

Chapter 34

*Di mapaliwanag na saya*

"Hay..." - Matty boy

"Psst Adrian!" Pinalapit ko sakin si Adrian "Ano ba problema ng kuya mo? Kanina ko pa kasi napapansin na panay butong hininga sya" Nasa bar kami ngayon.. Ito yung bar na pinuntahan namin after ng battle of the band.. Kung tutuusin madami-dami din ang tumawag samin yung iba nga sikat na bar dito sa city namin kaso dito kami bumagsak..

Magsasara na nga dapat ito eh.. di kalakasan kasi tapos napapaligiran pa ng mga malalakas na kakumpetensya.. Hay ayun nanghinayang naman kami.. Kung tutuusin si Ace ang nagmakaawang pumayag kami na dito kami tumugtog.. Nagalit pa nga si Jay-r eh pero nakumbinsi naman sya ni Matty boy.. kaya ayun heto kami nagaayos at pinapaganda yung Bar..

Mabalik nga tayo kay Matty boy.. Kanina pa kasi yun buntong hininga ng buntong hininga sa isang sulok habang nagpupunas ng lamesa eh ang nakakapagtaka iisang lamesa lang yung pinupunasan nya mula pa kanina! Siguro kumikintab na yun sa kakapunas nya. =___=

"Ewan ko? Nung pagkauwi nya kahapon ganyan na yan eh.. Parang wala sa sarili" - Adrian

"Ano kayang nangyari?" Nakakapanibago yung Matty ngayon kasi di ako sanay na ganyan sya katahimik at di din bagay sa kanya ang magemote ng ganyan para syang ewan =____=

"Ayan na pala si kuya Jay-r eh.. Subukan mo kayang tanungin sya?"

"Ah sige sige.." Binaba ko yung brush ng pintura sa dyaryong nakalapag sa sahig at pinuntahan si Jay-r

"Hoy Jay-r!.." Tinapik ko ang balikat nya, nilingon nya naman ako "Alam mo ba kung anong problema ni Matty boy? Nakakapanibago kasi na di sya maingay ngayon"

Nakatingin lang sakin si Jay-r.. Maya maya naman ay napansin kong lumobo ang pisngi nya na para bang nagpipigil ng tawa pero di nya din ito napigilan..

Teka ano nakakatawa sa tinatanong ko? Bakit kaya nagkaganyan yan? Buang lang? =____=

"Hoy!" Tinapik ko sya grabe kasi kung makatawa eh..

"Ka-kasi hahaha" Hinawakan nya yung tyan nya at naiiyak na ngayon sa kakatawa..

"Ga-ganito kasi yun hahaha" Pinilit nyang pakalmahin ang sarili nya..

Huminga sya ng malalim at nagsalita muli.. "Nagsimba kasi yan kahapon kasama nya si Ella"

Si-si Matty at Ella nagsimba? At magkasama pa!? Nalalapit na yata ang paggunaw ng mundo O____O

"Pero hindi talaga sila magkasama..." Nakahinga naman ako ng maluwag dun kala ko katapusan na! "Kumbaga sinundan ni Matty si Ella"

I think im falling..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon