Chapter 43 - Baby boy

240 5 7
                                    


Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!

ilang months din akong natigang pagpasensyahan nyo na ulit ako TT^TT may readers pa ba ako? sana meron pa TTOTT

BTW pa-follow naman po ang friesmofos. May ginagawa kasi kaming story at sana matapos namin. hahaha

P.S Sarry talaga TT^TT

- KalokaJean

*********

Chapter 43

*Baby boy*

*Adrian Kyle>POV<*

"Ano nanamang pagkukunwari yan?" Halatang halata ang pagkagulat nya pero agad naman nyang napalitan ang expression ng mukha nya.. Nginitian nya ako habang inaabot ang bayad kay Manong driver.

"So kanina mo pa pala ako sinusundan?" Nagsmile ulit siya.

"Binabantayan ko lang kilos mo! Alam kong may pinaplano ka nanaman"

"Kilala mo talaga ako Best ah!?" ;)

"Wag na wag mo na akong matatawag na ganyan!" Halatang Iniinis nya ako.

"Haha eh ano naman sayo kung may pinaplano ako!? Di mo naman ako kayang piligan eh!" ;) Hinawi nya ang buhok nya papunta sa likod.

"Tsk! Tantanan mo na nga si Ella! Tanggapin mo na kasi ang katotohanan!"

"Tinanggap ko na" - Maxenne

"Sinungaling!"

"Ganun na ba talaga kasama ang tingin mo sakin?" ;(

"Siguro kung yung dating Adrian ang kausap mo ngayon, Isang emote mo lang maniniwala na kaagad yun pero ibahin mo na ang Adrian na kaharap mo ngayon!"

"Bakit ka ba nagiging ganyan sa akin!?" ;( Pinipilit nyang lumuha pero walang lumabas na luha.

Natawa naman ako bigla "Ubos na yata yang nilagay mong pampaluha sa mata mo!?" ;)

Nagbago ang Aura nya bigla at tiningnan nya ako ng masama.

"Pati pala yun nakita mo!?" Naging masungit na sya.

"Sabi sayo eh!" ;) Kitang kita ko ang pagkakairita nya.

"Nakakainis!..." nakagat nya ang lower lip nya.

"Bakit di na lang kasi mamatay kaagad ang babaeng yun! Mahaba- haba pa tuloy ang titiisin ko!"

Bakit ba ngayon ko lang nakita ang side nyang ganito? Tsk!

"Mawala man si Ella, Hindi mo parin makukuha si Kuya"

Nagsmile sya ng nakakaasar "Mali.. Hindi mo pa pala talaga ako kilala.. Wala pang bagay na gusto ko ang hindi ko nakukuha tandaan mo yan!"

"Pero may hindi ka alam na alam ko.." smirk. Halatang halata sa mukha niya ang pagtataka.

"May isa pa siyang mahal at kung tutuusin mas mahal niya pa ito kesa kay Ella.. Kaya mawala man si Ella, dun panigurado siya pupunta"

"Akala mo ba maniniwala ako sa sinasabi mo? haha wag mo kong linlangin Adrian.. Kabisado na kita"

"Di ko naman sinasabing paniwalaan mo ko. Binabalaan lang kita..." ;) Natameme siya bigla sa sinabi ko.

Di din nagtagal ay bumaba na ako sa jeep. Di ko na kasi kaya.

Ang sarap lang ibagok ng ulo ko lalo na kapag naaalala ko lahat ng memories namin tapos yung pagaalala nya na pagkukunwari lang pala!

Shit! tinuring ko siyang matalik na kaibigan at ang masakit pa dun humigit pa sa kaibigan ang naramdaman ko! ;(

I think im falling..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon