Chapter 16
*HELP!!*
*RINA >POV<*
Ang sarap lang batukan ni Ella kinikilig na ewan =__= Inabangan nya talaga ako sa may pinto ng room namin at tyaka hinila papunta sa canteen di tuloy ako nakapunta sa tagpuan namin ni Gino my labs =__=..
Ang dami nyang tinanung about dun sa nangyari samin ni Lance dun sa gubat.. Naku naman parang bet nya pa ang pagkakaligaw namin ah?..
"Ayiiiee teh kinikilig ako sa inyo haha"
"Halatang halata Ella" =___=
"Biro mo yun kayo lang dalawa sa gubat naloloka na ako!! haha"
"Alam mo ikaw lang ang kinikilig dyan!"
"Haha yaan mo na eh sa kinikilig yung tao eh" XD Ay certified buang na to!
"Alam mo ba Rina nung nawala ka todo alala kaya ako!"
"Ay parang di halata" =__=
"Ui oo nga pramis haha.. At ito pa Rina nang sinabi kong nawawala ka kumaripas ng takbo si Lance at hinanap ka kaagad ayun dalawa tuloy kayong nawala haha"
"Oh talaga?" Ginawa ni Lance yun? Bakit naman? Napahigop ako sa straw ng softdrinks ko..
"Ui sila Alyssa yun ah!" Kumaway si Ella nung nakita sila Alyssa
"Wag mo nga akong hawakan!" - Erika
"Ito parang hawak lang naman!" Sabi ni Alyssa habang umuupo sila ni Erika.. Ano naman kayang problema ng dalawang to? hehe
"Ang sakit kaya ng balat ko! tapos hahawak mo pa edi mas lalong sumakit!"
"Haha oo nga pala sorry naman! Girls tingnan nyo si Erika halos ngipin na lang ang maputi.. Nagmala-aryana kasi sa beach ayaw na hiwalayan yung dagat ayan tuloy resulta" XD
Agad agad pinalo ni Erika yung gulugod ni Alyssa haha itong dalawa talagang ito oh XD
"Teka Ella kanino galing yang mga roses na yan?" Sabay turo ni Alyssa sa rose na nakalapag sa table..
"Ahh ewan?.. May nagpadala nyan di ko nga alam kung kanino galing eh.. Nung nakaraang week pa may nagpapadala ng mga roses sakin"
"Bagong manliligaw siguro yan?" Sabi ko.. Si Ella kasi madami yang suitor.. Habulin kasi ng mga boys.. Eh ako? Habulin ng aso =__=
"Ewan? Di nagpapakilala eh"
"Baka natatakot mabasted kaya di nagpapakita?" - Alyssa
"Siguro?"
"Wait lang ah! Bibili muna kami ng pagkain ni Aryana haha" Tiningnan ng masama ni Erika si Alyssa.. Itong si Alyssa naman alerto baka kasi mamalo ulit si Erika.. haha ang kulit kasi nitong si Alyssa XD..
"Ah sige sige" Sabay naming sabi ni Ella
"Ahh oo nga pala Rina nakita ko si Alex na umaaligid sa school"
"Oh di nga?"
Si Alex, Classmate ko sya mula elementary hanggang 2nd year high school. Anong meron kay Alex? sya yung unang taong nagtapat sakin na gusto nya ako.. pero binasted ko sya.. Di naman sa panget sya ah.. Ayoko lang magpaasa lalo na kung wala talagang chance yung ganun.. Ewan ko pero parang dinamdam nya yun kaya sya lumipat ng school or assumera lang ako?..
"Baka inaabangan ka Rina?" Panakot ni Ella
"U-ui wag ka namang ganyan Ella! M-malay natin may ibang inaantay or napadaan lang?" Sana nga tama yung hinala ko.. Sana naman nakamove on na yun..
BINABASA MO ANG
I think im falling..
HumorPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?
