Chapter 24
*sulat*
*Lance >POV<*
naghiyawan at nagpalakpakan yung mga tao nung natapos kumanta si rina...
napatakip sya ng mukha sa hiya..
"Rina!" sigaw ni gino habang kumakaway...
nakita naman sya agad ni rina kaya ginantihan nya din ito ng kaway tsk!
"ano ginagawa mo dito?" tanong ni rina nung nakalapit sya kay gino.
"hehe bumili kasi ako nito" inangat ni gino yung plastik na dala-dala nya para makita ni rina..
"ahh kaya pala bumili ka ng book hehe.. teka paano mo nga pala kami nahanap?"
"hmmm... nakarinig kasi ako ng maganda at pamilyar na boses :)"
natahimik si rina at hinawi yung ilang hibla ng buhok nya sa likod ng tenga nya.. kitang kita ko yung pagbablush ng mukha nya...
"maganda ka dyan! haha"
nagsimila na silang maglakad habang ako naman ay nakapamulsa at sumusunod lang sa likod nila...
psh.....
naiinis ako!.. parang naging hangin ako bigla nung dumating si gino..
parang bigla akong nawala sa paningin ni rina at nagfocus sya kay gino!!
nakakainis talaga!
kitang kita ko sa posisyong kong ito kung gaano kasaya si rina kausap si gino..
ang makita silang ganyan...
ang unti-unting dumudurog sa puso ko..
mahal ko na pala sya ng di ko namamalayan...
"nakakaistorbo ba ako sa dte nyo?" rinig ko yung usapan nila... mas magandang di nalang siguro ako umimik..
"date? haha di kami nagdidate noh!"
"ahh hehe.."
"rina?"
"yep?"
"hmmm... sinunod ko yung sinabi mo."
"niyaya mo sya?"
"oo eh..."
"pumayag?"
"oo.. hehe kaya ang saya ko ngayon.." sabi ni gino...
"ahh.." may bahid ng lungkot yung boses ni rina nung sinabi nya yun...
"ito ang unang pagkakataong nagyaya ako sa isang babae na makipagdate.. nakakahiya mang sabihin pero di ko talaga alam kung ano ba yung susuutin ko..."
"pwede nyo ba akong samahan?"
natahimik ng ilang segundo si rina..
lumapit ako sakanya at hinawakan yung kamay nya..
"oo sasamahan ka namin.." ang pinaka di ko kayang makita.. yung makita syang malungkot .. kahit alam kong labag sa kalooban ko ito... gagawin ko.. para sa kanya..
---
"eto bagay ba?"
"hmmm... di eh... mas nagmukha kang nerd"
"eh itong salamin na ito?"
"hmmmm di parin eh... try mo tong black"
"ehh.. ayaw ko ng ganyang salamin.."
"ano ka ba pamporma kaya toh! yung mga pinipili mo kasi yung transparent eh"
"malabo kasi mata ko..."

BINABASA MO ANG
I think im falling..
HumorPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?