Chapter 13 - Field trip part2(TAKTE!!)

334 5 5
                                    

Chapter 13

*Field trip part2(TAKTE!!)*

*ELLA >POV<*

Hanep ngayon ko lang nakita na nagblush ng ganyan si Rina.. kasalukuyang kumakanta at sumasayaw sya ngayon sa classmate nya sa stage.. Crush nya ba yun? Kung sabagay gwapo sya ah...

Nasaan kaya si Lance? Hinanap ko si Lance gamit yung mga mata ko.. Nasa bandang unahan kami nakatayo.. yep.. Nakatayo na kami ngayon nakakaaliw kasi yung performance na ginawa nung mga participant..

Tumingin tingin ako sa gilid di ko makita si Lance.. Tumingin ako sa likod... Sa wakas nakita ko din sya pero paalis eh?.. Saan kaya pupunta yun? Di pa naman tapos yung program ah?..

Masundan nga...

"Excuse me po".. "Ay sorry sorry".. "Padaan saglit".. Grabe ang dami namang tao nahihirapan ako tuloy akong dumaan.. >__<

Wew! Nakalabas din ako sa paligid ng madaming tao.. 

Teka nasaan na ba si Lance?? Di pa siguro nakakalayo yun?.. Makapaglakad lakad nga muna..

Palingon lingon ako sa paligid.. Hinahanap si Lance.. Grabe ang lamig.. Wala pa naman akong dalang jacket.. Hawak hawak ko na ngayon yung magkabilang braso ko.. Ang lamiiiig...

Sa may pangpang may napansin akong naglalakad.. Magisa lang sya.. at sinisipa yung buhangin.. Si Lance kaya yun?

Nilapitan ko naman para malaman ko kung sya nga yun...

"Pssshhh!" Sabi nya habang sinisipa parin yung buhangin..

Si Lance nga to!.. Natatandaan ko yung suot nyang damit eh...

"Magisa ka yata?" Sabi ko habang nasa likod nya ako

"PAKE MO BA?" Walang lingunan na sabi nya.. Wow ah ang sungit naman nito!.. Ano bang meron? mukhang badtrip ang taong to ngayon? Pero di ako papasindak sa kanya..

Patuloy lang sya sa pagsipa sa buhangin.. Sinusundan ko lang sya..

Ang sarap pa lang maglakad lakad sa beach pag ganitong oras.. Malamig yung hangin.. tapos ang peaceful..

"Sino ka ba ah!? Bakit mo ako sinusundan!?" Tanong nya..

Paano mo ako makikilala eh di ka man lang lumilingon?

"Alam mo... Gusto kita...

para sa kaibigan ko :)" Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako.. Babalik na ako ng resort.. Naramdaman kong lumingon sya sakin pero di sya nagsalita..

************************************************************

*RINA >POV<*

"Mare kilig much ako sa inyo ni papa gino waaaaaaaaahh!!!!!!" -Alyssa

Ang ingay ni Alyssa sa kwarto grabe parang hinigop nya yung kilig ko haha parang sya yung sorbang kinikilig sa lagay na yan eh..

Tapos na yung program at nasa kwarto na kami ngayon.. Nakaupo si Alyssa sa may kama ko tapos kinukulit ako =__=

"Mare anong feeling nung binigyan ka nya ng rose? Waaaaaaaaahh ako na talaga ang kinikilig sa inyo Mare!!!" - Alyssa

"Halata nga eh.. kung makatulak ka kanina wagas! Nasalubsob tuloy ako kay Gino!" =___=

"Haha ayaw mo nun nakatyansing ka at kitams sayo binigay yung rose.. Dapat magpasalamat ka sakin! haha"

"Oh sige salamat sa pagtulak mo haha.." Todo kilig parin ako pagnaaalala yung mga nangyari kanina haha..

I think im falling..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon