Chapter 8 - Deal

422 9 4
                                    

Chapter 8

*Deal*

Next venue... Saan pa ba?

Kundi sa bahay namin =___=

Pinalilibutan nung apat si Lance. Mukhang iniinterview. Reporter lang ang peg nitong apat eh -___-

Samantalang kami naman ni Ella nasa kusina at nagpreprepare ng meryenda..

"Mukhang close na yung lima no? hehe" - Ella

"Oo nga eh nakalimutan na yata ako eh" =__=

"Eto naman tampo kaagad haha"

Nagtatampo ba ako? Siguro? Marahil? Datapwat? Hay ewan..

"Kamusta na nga pala kayo ni Lance?"

"Bakit kami ba!?"

"Pag nangangamusta kayo nakaagad? Pwedeng nagtatanong lang?" - Ella

"Oh sige ako na basag!" =__=

"Haha ano nga teh?" - Ella

"Inis ako sa kanya!"

"May bago ba dun? haha" - Ella

"Sige barahin mo pa ako!"

"Haha sorry namn.. Teka bakit ano bang meron?"

"Eh kasi..." Teka sasabihin ko ba kay Ella?

"Eh kasi ano?" Inip na tanong ni Ella

"Wala!"

"Kilala kita meron yan! sabihin mo na dali!" - Ella

"Eh kasi... si Lance.... Ninakawan ako ng halik!!"

"Whaaaaaaaaat?!" - Ella

Tinakpan ko kaagad ang malaking bunganga ni Ella.. Over! Ang ingay kasi.

Napatingin tuloy yung lima samin.. Nagfake smile lang ako at hinila si Ella...

"Ano ka ba?! Wag kang maingay!" Bulong ko kay Ella.

"Eh kasi... So pano yung deal?"

Yan na nga ba yung sinasabi ko eh! Kaya ayaw kong sabihin kay Ella. May deal kasi kaming dalawa.. Yung first kiss ko yun dapat ang magiging boyfriend ko at yung kay Ella naman yung lalakeng magsusuot ng sapatos sa paa nya.. Kung tutuusin mas madali yung kay Ella eh pero ako pa yung yung nauna! Waaaahhhh! Pano na to? Bakit ba kasi namin naisipan yun!? >__<

"May deal ba tayo?" May amnesia ako! May amnesia ako! Di ko maalala haha

"Hoy babae! May deal tayo at wag kang magkunwaring wala kang alam!" Nakapamewang na sabi ni Ella..

"Eh kasi naman... Pwedeng wag na lang tuparin?" Hirit ko

"Hindi pwede!" =__=

"Ay ang higpit naman nito!" Over ka Ella wala kang awa :((

"Within this month pag di naging kayo........ may parusa ka!"

"Hala! over? Ngayong month? agad agad?"

"Oo! july 7 pa lang naman ngayon eh... So may ilang weeks ka pa.. Kaya mo yan teh!" :))

Kung ikaw kaya gumawa!?.. Kaya kaya ka dyan! hmmff!
=__=

"Waaaaaaaaaaaaahhh!! Ella bakit ka ganyan?" :(

"Sinusunod ko lang ang deal natin.. Remember ikaw pa ang nakaisip nun!"

"Hala ako? di nga?" Sabay turo ko sa sarili ko.

"Oo! Ulyanin" -__-

Ako pala nakaisip nun? bakit di ko matandaan? XD..

I think im falling..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon