Chapter 15
*Ella flashback*
*ELLA >POV<*
Halos tulog na lahat ng tao dito sa bus maliban samin ni Lance at ni manong driver...
Nagdisguise ako baka kasi makilala ako ni Rina... mas maganda na ang nagiingat haha.
Buti na lang at pumayag na makipagpalitan sakin yung classmate ni Rina :)
*Click*... *Click*
Nasa may gilid lang ako nila Rina... Tinanggal ko yung flash ng camera ko para di nila mahalata na pinipicturan ko sila.
Grabe na lang yung pagaalala ko nang nawala si Rina.. Naiiyak na nga ako nun eh. buti na lang at nagawang magsiga ni Lance malaking tulong talaga yun para mahanap namin sila.
Napalitan ng kilig yung pagaalala ko.. pano ba naman nakita namin yung dalawa na magkayakap habang nakasandal at natutulog sa isang puno haha chichikahin ko bukas si Rina about sa kaganapan sa kanila ni Lance.. Ayieeeeeee di na ako makapagantay ^-^
Gustong gusto ko si Lance para kay Rina.. May nakikita kasi ako sa kanya na wala sa iba at nararamdaman kong magiging masaya si Rina sa piling ni Lance.. Gusto kong maging kupido nilang dalawa ahihi ^___^
Excited na excited akong magkalovelife yang kaibigan kong yan hehe..
Tinuturing kong parang kapatid si Rina at alam kong ganun din sya sakin.. Laking pasalamat ko dahil dumating sya sa buhay ko :)
Hay naku ang sarap tuloy balikan ng nakaraan, yung una ko syang nakilala pati din yung Kumagz.
Pahinga nga muna tayo sa RINANCE haha loveteam nila yan kanina ko lang yan naisip XD.. Moment ko ngayon :D
~~Flashback~~
"Nahipos na ba nimo imong mga butang? (naayos mo na ba yung mga gamit mo?)"
"Opo Mommy"
Ayaw kong iwan yung bahay namin dito sa Cebu kaso di pwede eh. Nakaplano na kasi na sa manila ako magha-high school.
Mamimiss ko ng sobra yung lugar na to.. yung mga taniman, yung mga trabahador pati na din ang Lolo ko :(
Laking probinsya ako.. Malayo kami sa syudad. Halos dulo na kasi ng cebu itong tinitirhan namin.. Di ko itatanggi na may kaya kami.. sabi nga nila mansyon daw yung bahay namin pero wala naman sakin yun.. Ang nasa isip ko ako ay isang simpleng mamamayan lang dito.
Naging close ko na ang mga trabahador dito di naman kasi ako namimili kung sino yung dapat kaibiganin.. nakasanayan ko nang tumulong sa mga manggagawa tuwing pagkatapos ng klase ko.
"mingwon me nimo mam ella (mamimiss ka namin mam ella)"
"Ako sad, kung pwede palang nga dili me molakaw (ako din, kung pwede lang na di na kami umalis)" Niyakap ko si manang.. trabahador din sya dito..
Nung malagay na lahat ng gamit namin sa van, inistart na ni Dad yung kotse at umalis na kami..
Sabi nila maganda daw yung manila.. Di naman sila nagkakamali maganda nga dito kaso nga lang di ako sanay sa mausok na paligid. Nakakamiss parin ang Cebu.
Sa isang private school ako pumasok.. Grabe ang sososyal ng mga tao dito... ibang iba talaga sa kinalakihan kong school sa probinsya.. Halos araw araw nagmamayabang yung iba about sa mga branded na bagay na meron sila.
Parang may nga gap nung nalaman nilang taga probinsya ako parang ilap sila sakin.. Ewan ko ba? Bakit ganun sila?
Tuwing pumapasok ako ng room feeling ko ako yung palaging pinaguusapan ng mga classmate kong nagbubulungan.. Napakaobvious kasi eh tumitingin sila sakin.. tapos nagtatawanan ng nakakaasar...
BINABASA MO ANG
I think im falling..
HumorPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?
