Chapter 25
*Martyr siya pshh!*
"Mukhang wala na yatang balak tumigil ang ulan?" Wika ni Rina habang nakalahad ang kamay nya at sinasalo ang ilang patak ng tubig ulan..
"Oo nga.. Siguro may bagyo?"
"Hayyyy.... nakikidamay yata sakin yung panahon haha"
Napatingin ako sa dereksyon nya...
Malungkot na masaya... or nagprepretend lang na masaya?..
Niyakap nya ang tuhod nya at pinatong ang ulo nya..
"Kung may saya... may sakit din..." Sabi nya habang ganun parin ang posisyon..
"Hah?"
"Mahirap palang mainlove sa taong may mahal ng iba.." Si Gino ba yung tinutukoy nya?.. nasasaktan sya?.. at na-inlove? </3
"Buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng ganito.."
Ilang minuto syang natahimik...
Maya maya..
Nakarinig ako ng mahinang hikbi..
"Umiiyak ka ba?"
"Hindi ah!.."
Nilapitan ko sya at inangat ang kanyang ulo..
"Ano ba!" Tinabig nya ang kamay ko..
"Umiiyak ka nga.."
"Paano mo nalaman? eh umuulan kaya!"
"Yang ilong mo kasi lumalaki"
Hinawakan nya naman ang ilong nya at tinitigan ako ng masama
"Urgggh! Kabwiset ka talaga!!!"
"Di lang ikaw ang nasasaktan" Bwiset na dulas ako >__<
"Huh? Ano?"
"Wala" Buti na lang bingi sya. Nakahinga na ako ng maluwag.
"Aisshh ewan ko sayo!"
"Wag ka na ngang umiyak!"
"Eh ano naman? Bawal bang umiyak?"
"Oo bawal!" Ayaw ko kasing nakikita kang umiiyak.
"Aba batas ka ba?"
"Lalo ka kasing pumapanget!"
"Nakakainis ka na!" Sinuntok nya ako sa braso.
"Dito." Imbis na mainis, Tinuro ko na lang ang isang balikat ko.
"Oh? Ano naman yan?"
"Pwede kang umiyak dito.."
Nakatingin lang sya sakin...
Hinawakan ko ang likod nya at niyakap sya..
"Pwede kang umiyak sakin..."
Muli syang humikbi pero medyo malakas na ngayon..
Hinimas-himas ko ang kanyang likod.
Di ko kayang nagkakaganito sya... Di ko kayang nakikita syang nasasaktan.. dahil pakiramdam ko mas lalong nadudurog ang puso ko..
Kung pwede lang sana na..
Ako na lang ang mahalin nya...
Sana ako na lang.. ;(
Patuloy lang ako sa paghimas sa likod nya..
Nilapit ko ang aking bibig sa may bandang tenga nya..
BINABASA MO ANG
I think im falling..
HumorPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?
