6:30 PM
"Sasagutin ko lang ang tanong mo kapag sinagot mo rin ang tanong ko." nakangising sabi sa akin ng binatang ito.
Di ko alam pero akala ko ay sa librong isinusulat ko lamang ito mararamdaman.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama tila parang bumabagal ang oras at siya lamang ang nakikita ng aking mga mata.
Tila'y pamilyar ang binatang kaharap ko at unti-unti iyong nakilala ng aking puso.
Hindi kaya siya na yung matagal kong hinahanap?
Pumalakpak ito sa aking harapan na nagpabalik sakin sa reyalidad.
"Ang daya mo ah! Ako ang unang nagtanong dapat ikaw muna sumagot sa tanong ko." nakangusong sabi ko sakaniya.
"Sasagutin mo ba ang tanong ko o hindi ko sasabihin kung bakit narito ka sa litrato? Mamili ka nalang sa dalawa!" nanatili lamang siyang nakangisi sa akin habang binibigkas ang mga salitang iyon.
"O siya sige na, ikaw na ang panalo! Ano ba yung itatanong mo?" malumanay kong pagsuko sakaniya.
"Itong ballpen na hawak mo, kanino yan galing? Halatang customized siya dahil naka-engraved yung pangalan mo riyan." seryosong tanong ng binatang kaharap ko.
"Itong ballpen na ito?" iwinagayway ko ito sakaniyang harapan at tumango lamang ito sa akin.
"Galing siya sa kababata ko. Kapit-bahay namin siya dati kaso lumipat na sila sa ibang lugar. Nangungupahan sila noon sa Tita ko ng apartment. Hindi na siya nagpaalam sa akin kaya hindi ko na alam kung saan siya hahanapin basta iniwan niya na lang sakin itong ballpen kasama ang isang sulat dahil noon pa man ay pangarap ko ng maging manunulat simula pa nung mga bata kami. Ito nalang ang nagsisilbing alaala niya sa akin kaya ayoko mawala ang ballpen na ito." malumanay kong paliwanag sa binatang kaharap ko.
Matapos kong ilahad ang kwento sa likod ng ballpen na napulot niya ay niyakap ako binatang kaharap ko. Nagulat ako at hindi makagalaw.
Nanginginig ang mga kamay ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Kumalas din siya agad sa yakap at tinitigan ko ito ng malalim.
"Namiss kita, gatas ko!" bakas ang sigla at saya sakaniyang mukha.
Iyong tawag na iyon . . . . .
Ang kababata ko lamang ang tumatawag sakin ng ganito. Naluha ako ng mapagtanto na kaya pala pamilyar ang kaniyang mukha ay dahil matagal ko na pala siyang kakilala.
Niyakap ko siya ng mahigpit at unti-unting kinilala siya ng aking puso.
Siya ang kababata ko, si Choco. Kami ang Choco na Gatas Tandem!
"Di ko alam sa ilang taon na hindi kita nakita ay ngayon pala tayo muling magtatagpo. Matagal kong pinagdasal ito sa Diyos, ang makita at mahawakan kang muli." natutuwang sabi niya sa akin.
"Matagal na kitang hinahanap Choco! Sa wakas, dininig na rin ng mga bituin ang kahilingan ko." naluluha sa saya kong sagot sakaniya.
"Gusto mo bang makita ang kaparehas niyang ballpen na yan? Lagi ko siyang dala kahit saan ako magpunta. Pinagawa ko siya sa isang store, nasa sayo ang kabiyak niya." nakangiting sabi niya sa akin.
Hindi pa rin ako makapaniwala na ang matagal ko ng hinahanap ay nahagkan ko nang muli.
"Gusto mo bang ipakilala muna kita sa mga kaibigan ko? Narito kami para magbakasyon. May mga ibang kasama pero mga ilang kamag-anak lang ng mga kaibigan ko." nakangiting sagot ko sakaniya.
"Sandali lang, gusto ko munang makilala mo ako ng pormal gatas ko!" nakangiting sabi niya sa akin.
"I'm Adrixeinna Marie Victoria and you are?" nakangiti kong sabi sakaniya.
BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomanceThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...