Chapter 6

213 119 15
                                    

9:20 AM

Natapos na kaming kumain nina Tita Frenchzeiji, Nicole, Chezka, Ysabel at Nathan kaya nagpunta muna kaming cr para mag-ayos muna ng mga sarili namin.

"Saan tayo next na magpupunta, ipapasyal na ba natin si Nathan ngayon?" usisang tanong ni Ysabel kay Nicole habang nasa nag-aayos kami ng mga sarili namin sa cr.

"Uuwi muna kami ni Nathan ngayon pagkatapos ay bukas na lang siguro natin siya ipasyal tsaka baka namiss na kayo ng mga magulang niyo, isang buong araw tayo na ang magkakasama tsaka para magkaroon muna tayo ng quality time sa mga family natin saka mapapaaga na rin yata ang uwi nina Mommy." malumanay na sagot ni Nicole sa tanong ni Ysabel habang nasa nagaayos kami ng mga sarili namin sa cr.

"Oo nga, wala pa akong update kina Mommy e dahil nag-tagal tayo sa ospital." nakangiting sabi ko kina Nicole at Ysabel.

"Kunsabagay, hindi pa rin nga kami ganoong nakakapag-usap nina Mommy dahil yung atensyon ko ay nabaling sa mga nangyayari ngayong linggo, sobrang na-occuppied yung utak ko sa mga nangyari. Sunod-sunod kasi ang naging problema." malumanay na sabi ni Ysabel saming tatlo.

"Kahit hanggang ngayon ay lutang pa rin ako sa mga nangyari noong mga nagdaang linggo." malumanay na sabi ni Chezka sa amin.

"Umuwi nalang muna siguro tayo sa kaniya-kaniya nating bahay dahil Sabado naman ngayon. Mag-pahinga muna tayo sa ngayon at mag-usap na lang tayo tungkol doon sa vacation na plano natin dahil may social media naman tayong apat. Mabilis lamang ang communication kahit online." nakangiting sabi ni Nicole sa amin.

"Tapos bukas natin ipasyal si Nathan, g kayo?" malumanay kong tanong sakanila.

"G." kalmado nilang sagot sa akin.

Lumabas na kami ng cr at agad naman kaming sinalubong ni Tita Frenchzeiji at Nathan. Naglakad na kami palabas ng restaurant nang magyaya si Nathan sa isang ice cream store.

"May request po sana ako sainyong lahat? Tara po sa isang malapit na ice cream store, gusto ko pong mag-dessert para complete meal na po ako sa breakfast." nakangiting sabi ni Nathan sabay turo sa Ice Cream Store na gusto niyang kainan.

"Sige ba!" nakangiting sabi ni Ysabel kay Nathan.

Ngumiti naman si Nathan kay Ysabel at kaagad na humawak sa kamay ng Ate Nicole niya upang ituro kung saan ang ice cream store.

"Tara na!" nakangiting sabi ni Nicole kay Nathan.

Agad naman kaming sumunod nina Chezka at Tita Frenchzeiji sa tinurong Ice Cream store na tinutukoy ni Nathan.

"Anong order niyo girls?" nakangiting tanong ni Nicole sa amin.

"Coffee Almond Fudge sakin." nakangiting sagot ni Chezka kay Nicole.

"Oreo Cream Cheesecake sa akin." nakangiting sagot ko kay Nicole.

"Strawberry Fields sa akin." nakangiting sagot ni Ysabel kay Nicole.

"Chocolate Chip Cookie Dough naman sa akin Ate." nakangiting sabi ni Nathan kay Nicole na wari'y nae-excite na iserve ang ice cream sa kaniya.

"Sayo ba Tita?" nakangiting tanong ni Nicole kay Tita Frenchzeiji.

"Salted Caramel ang sakin Nicole." nakangiting sagot ni Tita Frenchzeiji kay Nicole.

Humanap na kami ng mauupuan sa ice cream store at naghintay na maiserve samin ang Ice cream.

Nakatanaw lang ako sa labas ng ice cream store habang iniintay bumalik si Nicole sa pagorder ng mga ice cream na gusto namin.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo Xeinna, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Chezka na katabi ko sa table.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon