Chapter 51

36 7 1
                                    

6:52 PM

Naglakad ako papuntang waiting shed at pinagmasdan ang kalangitan.

Napaka-dilim nito.

Panay pa ang malalakas na kulog at kidlat.

Suot ko ang basang toga ko at kinuha ko sa bulsa ang aking wallet.

Kumuha ako ng pera doon at hinintay kong may taxi na dumaan sa kalsada.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may tumigil na taxi sa harapan ko.

"Sasakay ka Miss?" kalmadong tanong ng taxi driver.

"Opo, pasyensya na kayo. Inabot po ako ng ulan. Basa po ang damit ko, ayos lang po bang sumakay ako?" nahihiya kong sagot sa driver ng taxi.

"Ayos lang iha, huwag mong alalahanin ang basa mong damit. Matutuyo din naman yan." nakangiting sabi ng taxi driver.

Sumakay na ako sa taxi at kinuha ang phone ko.

Nagpatugtog lang ako ng music.

"Iha, congratulations! Ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral mo." nakangiting sabi ng taxi driver habang nagmamaneho.

"Maraming salamat po!" nakangiting sagot ko sa taxi driver.

Tinanong ng taxi driver ang address ko at kaagad kong sinabi sakaniya.

Nakakapagod ang araw na ito!

Ang daming nangyaring mga pagbabago.

Mabuti man o masakit.

Kayo na po ang bahala Panginoon, nagsusumamo po ako sainyo.

Ilang minuto pa ang inabot ng biyahe ko pauwi ay nakarating din ako.

Nagbayad na naman ako sa taxi driver bago bumaba.

Tiningnan ko munang mabuti ang bahay bago ako pumasok sa loob.

Nadatnan ko sina Kuya Xennon na naghahanda sa lamesa.

Hindi nila namalayan na nakapasok na ako sa loob.

Humarap ako sakanila at masaya nila akong binati ng congratulations.

"Congratulations!" nakangiting sabi nilang lahat sa akin.

"Pagod po ako. Pwede pong bukas na lang tayo mag-celebrate?" malamya kong sagot sa kanila.

"Nagtatampo ka ba samin ng Mommy mo?" bahagyang tumaas ang boses nito.

"Hindi po." unti-unting bumalik sa utak ko ang mga naganap kanina.

Bumibigat ang paghinga ko at gusto ko na lang maiyak sa sobrang sama ng loob.

"Oh siya, maupo ka na dito sa lamesa. Kakain na tayo, pag-usapan na din natin ang magaganap mong arranged marriage!" tuwang-tuwa na sabi ni Daddy sa akin.

"Pwede ba Daddy? Wag na tayong maglokohan na parang ayos lang ang lahat! Ipapakasal niyo ako sa taong hindi ko mahal? Nagpapatawa ba kayo?" nagiinit ang dugo ko na halos parang sasabog na ako.

"At nasagot ka pa? Wala kang respeto!" dinuro-duro lamang ako ni Daddy ngunit wala akong pakialam.

"No! Hindi porket tatay kita, hahayaan na kitang magdesisyon sa buhay ko!" nagaalab ang puso ko sa galit at gusto kong ilabas ang lahat ng iyon.

"Adrixeinna!" tawag ni Kuya Xennus sa akin na may pagbabanta.

"Bakit Kuya? Totoo naman ang mga sinabi ko! Kahit kailan, hinding-hindi ko hahayaan ang kahit na sinong tao na i-disrespect ako! Respect should be earned not given." walang emosyon kong sagot kay Kuya Xennus.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon