1:43 PM
Biglang sumulpot si Mommy at may dala itong meryenda para sa amin.
"Nasaan si Kuya Adrixennus mi?" malumanay kong tanong kay Mommy.
"May virtual meeting siya ngayon. After niyo mag-chikahan diyan, pupunta tayo sa Lola mo sa father side. Ngayon tayo bibisita sakanila dahil bakasyon niyo naman." malumanay nitong sagot sa akin.
"Namiss ko rin talaga si Cassius, kamusta na kaya siya ngayon? Patapos na rin kami mi, don't worry." nakangiting sabi ko kay Mommy.
"O siya maiwan ko muna kayo diyan, aasikasuhin ko lang ang Daddy mo." nakangiting sagot sa akin ni Mommy.
Umalis na si Mommy at nagpatuloy kami sa kwentuhan habang kumakain ng meryenda.
"Alam niyo, matagal kong hinintay ang araw na makamtan ang hustisya para sa girlfriend ko. Hindi man sa ginusto kong paraan pero sa mas mabuting kondisyon para sa lahat." nakangiting sabi sa amin ni Kuya Adrixennon.
"May mga pagkakamali man tayo sa buhay pero atleast natututo tayo sa paglipas ng panahon. Masakit man tanggapin ang katotohanan pero mahirap mabuhay araw-araw sa kasinungalingan." nakangiting sabi ko sakanilang tatlo.
"Natutunan ko sa ganitong kaso, dapat marunong tayong tumanggap ng pagkakasala at handa tayong magpatawad. Hangga't maari, piliin nating maging mabuti sa kapwa. Hindi kailangan gumamit ng dahas ngunit sa tamang paraan ng batas upang maparusahan." nakangiting sabi sa amin ni Trevyn.
"So paano? Una na ako ah dude!" nakangiting sabi ni Czheandrei sabay apir kay Kuya Adrixennon.
Nag-apiran sina Kuya Adrixennon, Czheandrei at Trevyn.
Tumayo na ako at niligpit ang mga pinagkainan namin.
"Saan ka pupunta?" kalmadong tanong ni Kuya Adrixennon sa akin.
"Sa kusina Kuya, huhugasan ko itong mga pinagkainan natin." malumanay kong sagot sakaniya.
Ayoko na talagang makita ang pagmumukha ni Czheandrei sa bahay namin.
Oo na, may part naman talaga siya case!
Pero hindi siya enough para ihatid ko pa sila pauwi.
"Huwag na, ako na diyan. Ihatid mo na lang yung dalawa sa gate." kalmadong utos ni Kuya Adrixennon.
Nakakainis!
Bakit kasi ako pa ang inutusan na maghatid sa dalawang ito sa gate!
Hindi naman na sila bata!
Kaya na nila yan!
Pahamak naman talaga itong si Kuya Adrixennon!
Ayoko ngang kasama si Czheandrei tapos ipapahatid pa niya sa akin sa gate?
O M G!
"Sige po Kuya." malumanay kong sagot kay Kuya Adrixennon.
Kalma Adri!
Ihahatid mo lang sila Trevyn at Czheandrei sa gate ha?
Yun lang gagawin mo, ihahatid mo lang okay?
Kaya mo yan!
Para sa utos ni Kuya Adrixennon, kailangan mo itong gawin ha?
Ngayon lang ito, promise!
Nagpaalam na si Kuya Adrixennon sakanila at dinala na sa kusina ang mga pinagkainan namin para hugasan sa lababo.
Kumaway-kaway muna sila bago ko ihatid sina Trevyn at Czheandrei sa gate upang makauwi na sila.
BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomanceThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...