7:12 PM
Nanginig ang mga kamay ko nang maramdaman ang malamig na bangkay ni Trevyn.
Hindi ako makapaniwala, isa ka nang anghel sa langit.
Binawi ka na nila sa akin . . . .
Wala ka na . . . .
Wala ka na nga talaga . . . .
Mahirap.
Masakit.
Pero oras na para tanggapin ko na ang katotohanan.
Hindi ikaw ang nakatakda para sa akin.
Oo, tatanggapin ko na. Paunti-unti, wag ka magalala.
Hindi man ngayon pero sa tamang panahon.
Lumapit sa akin si Ate Cherry upang magyakapan ng mahigpit habang hawak-hawak ko ang malamig na bangkay ni Trevyn.
"Tandaan mo palagi, mahal na mahal ka ng kapatid ko. Buhay man siya o patay na." umiiyak niyang sabi sa akin ni Ate Cherry.
"Masayang-masaya si Trev na ikaw ang naging Ate niya. Hindi man niya nasasabi sayo pero sana palagi mong maramdaman ang pagmamahal niya." umiiyak ko ring sagot kay Ate Cherry.
"Akala ko tanggap ko na, nandito pa rin pala yung sakit." malungkot na sabi sa akin ni Ate Cherry.
"Presensya lang naman niya ang nawala Ate, ang pagmamahal niya para sa atin ay nakaukit na sa mga puso natin ng mga magagandang alala niya rito sa mundo." nakangiting sagot ko kay Ate Cherry.
"Tara nang bumaba sa rooftop?" nakangiti ngunit may bahid pa rin ng luha sa mga mata ni Ate Cherry.
Ini-upo ko si Trev sa wheelchair niya at ipinatulak ko kay Ate Cherry para makababa na sila.
"Mauna na kayo Ate, susunod na rin ako maya-maya." nakangiting sabi ko kay Ate Cherry.
Tumango naman siya sa akin at itinulak na ni Ate Cherry ang malamig na bangkay ni Trevyn upang makababa na sila sa rooftop.
Flashback
Malapit nang lumubog ang araw kaya nagmadali akong kunin ang camera ko upang kumuha ng litrato sa paglubog ng araw.
Masasabi kong ito ang pinakamaganda sa buong maghapon. Ang masaksihan ang paglubog ng araw at ang marinig ang hampas ng mga alon sa dalampasigan.
Heto na! Ang ganda talagang pagmasdan ang paglubog ng araw. Pumikit ako pagkatapos ay umikot-ikot ako habang nilalasap ang pangyayaring ito.
Kumuha ako ng mga litrato pagkatapos ay bigla kong namataan ang mga kaibigan ko na tumatawag sa akin upang ako'y maparoon.
"Xeinaaaaaaaaa!" malalakas na tawag nila sakin.
"Eto na! Nariyan na!" malakas ko ring sigaw habang tumatakbo kaya hindi ko namalayang nahulog ko pala ang ballpen ko.
Napansin ko lamang ito nang binuklat ko ang sketch pad na dala ko.
"Teka lang, nawawala ang ballpen ko. Mahalaga sakin yung ballpen na yun, bigay siya sa akin ng kababata ko. Kailangan ko yung mahanap." nalulungkot kong sabi sakanila kaya binigay ko muna ang mga dala ko pagkatapos ay bumalik ako sa pwesto ko kanina pagkatapos ay natagpuan ko ang isang binata na hawak ang ballpen ko.
"Kuya? Akin po yang ballpen na yan." nahihiyang sabi ko sa binatang kaharap ko.
"Ikaw!?!" tila nagulantang ang binata sa aking sinabi at binalik ang ballpen sa akin.
BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomanceThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...