3:22 PM
"Mag-ingat ka, iha. Kami nang bahala kay Trevyn, huwag ka nang magalala sakaniya." nakangiting sabi sa akin ng nanay ni Trevyn sabay yakap niya rin sa akin pabalik.
"Iintayin namin ang pagbabalik mo, iha. Magiging ayos din ang lahat, magtiwala lang tayo sa Diyos." nakangiting sabi sa akin ng tatay ni Trevyn sabay yakap rin sa akin pabalik.
"Kayo rin po, magpakatatag po kayo para kay Trevyn at sa pamilya niyo." nakangiting sagot ko sa mga magulang ni Trevyn at kumalas na kami sa pagkakayakap.
"Huwag kang magalala, babalitaan ka namin once na makalabas na siya ng kulungan. Kailangan niya ring madala sa ospital para matingnan siya sa mga doctor niya." nakangiting sabi sa akin ng nanay ni Trevyn.
"Aasahan ko po yan Tita, maraming salamat po." nakangiting sagot ko sa nanay ni Trevyn.
"Walang anuman." nakangiting sabi ng nanay ni Trevyn sa akin.
Sinamahan ako ng kasambahay ng mga Florez at sumakay na ako ng kotse upang puntahan si Trevyn.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Ate Cherry upang malaman kung saang presinto dinala si Trevyn.
Ate Cherry
Dialing . . . . .
Matapos ang ilang minuto ay sinagot na rin ni Ate Cherry ang tawag ko.
Ate Cherry
On call
Adrixeinna: Hello Ate Cherry, ia-ask ko lang sana kung saang presinto dinala si Trevyn?
Ate Cherry: Nandito kami malapit sa presinto ng Manila, alam mo ba kung saan ito?
Adrixeinna: Opo, papunta na po ako. Huwag ka munang umalis Ate, kailangan ko lang ng kasama.
Ate Cherry: Sure! Nandito pa ako sa presinto, hihintayin na lang kita dito.
Adrixeinna: Thank you Ate! On the way na po ako. Bye!
Ate Cherry: Bye!
The call ended.
Ini-off ko muna ang phone ko para hindi ako i-contact ng family ko.
Sinabi ko kay Manong Ernesto kung saang presinto naroroon si Trevyn at sinunod naman niya kaaagad ako.
Pinaandar na niya ang kotse at minaneho papuntang presinto.
Pinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga masasayang sandali namin ni Trevyn.
Ang sarap sa pakiramdam.
Naging pahinga ko ang mga balikat niya sa tuwing lumalabas ang ibang personalidad ko.
Iba ka talaga Trevyn!
Hindi ko namalayan ang oras at natigil ang pagbabalik-tanaw ko sa mga alaala namin ni Trevyn.
"Nandito na tayo, iha." kalmadong sabi sa akin ni Manong Ernesto.
"Bababa muna ako Manong, intayin niyo na ako dito. Mabilis lang naman ako rito." nakangiting sagot ko kay Manong Ernesto.
Bumaba na ako ng kotse at nakita ko si Ate Cherry na kumakaway-kaway sa akin. Lumapit na ako sa direksyon niya at kaagad ko siyang niyakap.
"I won't tell the story again. You know everything right?" bulong niya sa tenga ko habang nakayakap sa akin.
"Hindi ko alam kung saan ako mas masasaktan sa nangyari ngayon? Doon ba sa nagsinungaling lahat ang mga taong pinakamamahal ko at mahalaga sakin o doon ba sa malapit nang bawian ang taong mahal ko." umiiyak akong sumandal sa mga balikat ni Ate Cherry habang nakayakap kami sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomanceThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...