Chapter 11

129 74 11
                                    

2:30 PM

Sumalubong sa akin si Mommy at Daddy nang may ngiti sa labi at tinanong kung aalis na ba ako?

"Anak paalis ka na ba ngayon?" kalmadong tanong sa akin ni Daddy.

"Opo Daddy, nakapag-ayos na naman po ako ng sarili ko kaya ready to go na ko!" masiglang sabi ko kay Daddy.

"Oh siya, magiingat ka anak ha. Mag-enjoy kayo." nakangiting paalala ni Mommy sa akin.

"Opo Mommy, kayo po muna dito sa bahay. Babalik din ako agad." nakangiting sabi ko kay Mommy.

Niyakap at bumeso muna sa akin ang mga magulang ko bago ako umalis ng bahay. Kaagad ko namang tinawag si Manong Ernesto upang ipagdrive ako papuntang mall.

"Manong Ernesto!" malakas kong tawag kay Manong Ernesto.

"Aalis ka iha? Saan naman ang lakad mo ngayon?" kalmadong tanong ni Manong Ernesto.

"Pupunta lamang po ako ngayon ng mall kasama ang mga kaibigan ko." nakangiting sabi ko kay Manong Ernesto.

"Oh siya, sakay na!" nakangiting sagot naman sa akin ni Manong Ernesto.

Kagaya nga ng sabi ni Manong Ernesto ay kaagad akong sumakay sa kotse, ini-start na ni Manong Ernesto ang kotse at binuksan na ang gate muna papalabas at kaagad niyang pinaandar ang kotse.

Matapos ang tagpong iyon ay isinaksak ko ang aking earphones at pumili ng music sa phone pagkatapos noon ay nagpunta ako sa Wattpad app.

Nagulat ako nang makita ang mga notipikasyon sa aking wattpad app, samu't sari ang mga komento rito at mga boto mula sa aking mga mambabasa.

Iba ang sayang naramdaman ko nang makita ko ang kanilang mga reaksyon sa aking sinusulat na istorya.

Yes, you read it right? I'm a writer.

Hindi naman ako ganoon kasikat na manunulat pero naappreciate ko ang mga ganitong bagay, maliit man yan o malaki na ginagawa ng mambabasa ko para sa akin.

Sa bawat pagbasa nila ng istorya ko, nakakatuwang isipin na may mga interesado palang basahin ang kwentong nakapaloob sa mga istoryang isinusulat ko.

Sa bawat pagboto nila, nakikita ko ang mga efforts at dedication na nilalaan nila para lamang suportahan ako.

Sa bawat pagkomento ng mga saloobin at reaksyon nila, nararamdaman ko ang pagmamahal nila sa istoryang binuo ko gamit ang aking mg karanasan at imahinasyon.

Napangiti na lamang ako nang isipin ang mga bagay na yon, nakakaoverwhelm sa pakiramdam.

Habang nagtitingin tingin ako ng mga komento ng mga mambabasa ko ay biglang tumawag si Ysabel sa akin.

Maureen Ysabel Sanchez calling . . . . . . . .

Answer Decline

Sinagot ko naman ang tawag ni Ysabel at pinindot ang "Answer" button sa aking phone.

Me: Hello, bakit ka napatawag? Nandyan ka na ba sa mall?

Ysabel: Oo eh, mag-isa palang ako dito. Papunta ka na ba?

Me:Oo, papunta na. Malapit na ko.

Ysabel: Sure ka ba?

Me: Yep, antayin mo nalang ako sa harapan ng mall at dun nalang tayo magkita.

Ysabel: Sige sige, pupunta na akong entrance. Intayin kita dito.

Me: Sige ibaba ko na to, bye!

Ysabel: Bye, ingat ka!

The call ended.

Nagpatuloy ako sa pagchecheck ng mga komento sa aking istorya at natutuwa ako sa feedbacks na nakukuha ko sakanila.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon