Trigger Warning : Some scenes and language may not suitable for very young readers. Read at your own risk.
12:41 PM
Naglalakad kami papalabas ng building at may nakita akong malapit na fastfood sa harapan namin.
Tinignan ko siya at mabilis naman niya nakuha ang ibig kong sabihin.
Finally, makakain na rin ako ng lunch!!
Gutom na gutom na talaga ako!!
"Gutom ka na no? Tara na kumain, may pupuntahan pa tayo." nakangiting sabi niya sa akin pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko upang makatawid kami sa kalsada.
"Worth it naman ang pagtitiis ko sa gutom kanina, published author na ako!" nakangiting sagot ko sakaniya pagkatapos ay hinawakan ko rin ang kamay niya upang hindi ako mawala sa paningin niya habang tumatawid ng kalsada.
The best feeling!
Published author na ako!!!
Isa na ako sa mga exclusive writers ng Sacred Heart Publishing!
Ang favorite publishing company ko.
"Congratulations Milk, I am so proud of what you've become. Nae-excite na akong makita ang pag-grow mo as a woman." nakangiting sabi niya sa akin habang nakahawak pa rin sa kamay ko.
"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naganap kanina. Una, nagkaroon ako ng meet and greet sa fandom ko. Pangalawa, inoferran ako ng favorite publishing company ko. Pangatlo, nag-sign na ako ng contract sakanila. Pang-apat, isa na akong published author." nakangiting sagot ko sakaniya habang nakahawak pa rin ako sa kamay niya.
"Walang mali, okay? Lahat ng kasiyahan at pagmamahal na nararamdaman mo ngayon ay bare minimum pa lang kumbaga. Don't ever settle for less. Minsan mas mabuting mag-hintay na lamang habang abala ka sa mga priorities and better to be picky na rin kasi kung pipili ka man ng partner for a relationship." nakangiting sabi niya pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa fastfood.
Tinanong lamang niya kung anong order ko pagkatapos ay naghanap na ako ng table na uupuan naming dalawa.
"Spaghetti with chicken." nakangiting sabi ko sakaniya.
"Sa drinks?" kalmadong tanong niya sa akin.
"Coke." nakangiting sagot ko sakaniya.
Pumunta na siya sa counter upang umorder ng mga pagkain namin.
Nandito nga pala kami sa KFC.
Pinagmasdan ko lang siya habang umoorder pagkatapos ay lumapit ito sa akin dala-dala ang resibo.
"Uy, alam mo nakikita ko na ang healing effect sayo ng mga bagay na ginagawa natin. Nagiging masaya at bumabalik na ulit ang mga emosyon mo. Tingnan mo ang sarili mo, masakit at nakakapagod man ang buhay pero hindi ka sumusuko. Nakaka-proud ka." nakangiting sabi niya sa akin.
"Salamat dahil hindi mo ako iniwan noong nakita mo kung paano ako maging vulnerable bilang tao. Tinuro mo sa akin na huwag pumasok sa mga process na hindi pa ako handa para hindi na ako muling gumuho at mas lalo akong mahirapan sa pagbuo ng sarili ko. Yung healing na kailangan ko para kapag dumating ang oras na i-cleanse ng Diyos ang soul at heart ko, mas magiging better person ako para sa sarili ko at para sa mga taong pinakamamahal at pinapahalagahan ko." nakangiting sagot ko sakaniya.
"Sa buhay natin, palagi tayong naghahanap ng pagmamahal sa ibang tao na kaya namang ibigay ng sarili natin. People are blinded by the thought of having a partner or in a relationship can fulfill the emptiness inside your heart. Individuals can make themselves happier without being in love. Hindi ako against sa relationship pero kung love ang usapan, maraming sangay iyon na pwedeng panggalingan. Hindi lang relationship ang bubuo sayo. Maraming tao lalong-lalo na ang sarili mo." kalmadong sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomanceThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...