11:11 AM
"Hi." nakangiting sabi niya sa akin.
"H-hi." nauutal kong sagot sakaniya.
Biglang sumulpot si Kuya Adrixennon at umapir ito kay Czheandrei.
"Tara CJ! Doon tayo sa tayo sa garden." nakangiting aya ni Kuya Adrixennon kay Czheandrei.
"Sure, doon ba tayo magdi-discuss ng lahat-lahat?" nakangiting tanong ni Czheandrei kay Kuya Adrixennon.
Kailan pa sila naging close ng kapatid ko?
Nawala lang ako saglit, dinaig niya pa ang pagiging part ng family kung i-welcome siya ni Kuya Adrixennon.
Ano ba kasing paguusapan nila?
Anong gagawin niya sa bahay namin?
Hays! Kaloka!
"Yup, thank you for coming today!" nakangiting sagot ni Kuya Adrixennon kay Czheandrei.
"Basta ikaw Kuya Xennon, malakas ka sakin eh!" natatawang biro ni Czheandrei kay Kuya Adrixennon.
At nagagawa pa talaga niyang makipag-biruan sa kapatid ko?
Paano mo nagagawa yan? Tips naman!
Sumenyas si Kuya Adrixennon na sumunod kami ni Trevyn sa garden.
Sumunod naman kami kaagad sakaniya at sabay-sabay na naglakad pumunta doon.
Umupo kami sa garden at naunang mag-salita si Trevyn.
"Ngayong araw, gusto kong malaman niyo ang POV niyo sa car accident na nangyari noong Junior High School ako. Gusto kong malaman niyo rin ang ibang side ng kwento tungkol sa pagkakabangga ko sa girlfriend ni Kuya Adrixennon." mahinahong sabi ni Trevyn sa aming tatlo.
Bakit kasama pa ang isang ito?
Hindi naman siya involved sa kasong ito!
Bakit ba kasi siya nandito?
Anong role mo sa ganap today?
"Go ahead, makikinig kami. Suportado kita sa pagiging totoo mo sa sarili at kapwa mo Trev. Kaya mo yan!" nakangiting sabi ni Adrixennon kay Trevyn.
"Noong Junior High School ako, kakabalik ko lang rito sa Pilipinas. Nagkaroon kami ng reunion ng mga kaibigan ko dito. Iyon ang mga panahon na hindi okay ang lahat sa akin. Ang pamilya at pagaaral. Lahat ay naging apektado. Nagkaroon ako ng mental health issues noon. Hindi ko alam kung paano kontrolin ang mga emosyon at galaw ko." kalmadong kwento ni Trevyn sa aming tatlo.
Mental health issues itself occurs from the interaction of multiple genes and other factors such as stress, abuse or a traumatic event which can influence and trigger an illness in a person who has an inherited susceptibility to it.
Mental health issues can refer to a wide range of mental health conditions and disorders that affect your mood, thinking and behavior.
"Nag-try ka bang magpa-tingin sa psychologist or psychiatrist man lang?" malumanay kong tanong sakaniya.
"Hindi, wala sa pagiisip ko ang mga ganoong bagay. Noong araw kung saan ko nagawa ang krimen ay nagkaroon kami ng inuman ng mga kaibigan ko noong nakauwi na ako sa Pilipinas. Natuto akong mag-inom at manigarilyo noon, okupado ang isip ko noon. Tanging alak na lang ang nakakapagpatulog sa akin noon. Wala akong ginawa kundi maging pariwara. Kulang na nga lang ay maging baliw na ako at ipasok sa mental hospital. Dinaig ko pa ang adik na tambay noon pero nagiging better person ngayon." kalmadong kwento ni Trevyn sa aming tatlo.
BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomanceThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...