Trigger Warning : Some scenes and language may not suitable for very young readers. Read at your own risk.
7:41 PM
Umupo lang ako sa apartment ko. Kumuha ako ng papel at ballpen sa bag ko upang sumulat ng isang note para sa landlady ko.
Matapos kong i-sulat ang note para sa landlady ko ay nilagay ko ito sa may lamesa ko at inayos ang mga gamit ko.
Gusto ko na lamang umalis . . . .
Inabutan ako ni Trevyn na nag-aayos ng mga gamit ko.
"Saan ka pupunta?" kalmado nitong tanong sa akin.
"Trev, gusto ko nang umalis! Lahat ng mga taong minamahal at pinapahalagahan ko, nasasaktan ko. Hindi mo deserve ang isang katulad ko." malumanay kong sagot sakaniya.
"Edi maging better tayo parehas para maging deserve natin ang isa't-isa. We can be each other's favorite pain." nakangiting sabi niya sa akin.
"You deserve someone who will bring out the best of you, not your survival side. Hindi yung endless on-going series of heartbreaks just to be with me. Let me leave, Trev." unti-unting bumagsak ang mga luha sa mga mata ko habang sinasabi ang mga salitang iyon sakaniya.
"H-hindi, wag kang aalis!" pag-pigil niya sa akin habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin sa braso.
"Ano ba! Palabasin mo nga ako!" bahagyang tumaas ang boses ko at nagpupumiglas sa mahigpit na pagkakahawak niya sa akin sa braso.
"Wag kang aalis! Bakit ka pa ba aalis? Wala ka na rin namang ibang pupuntahan diba? Ayaw mong umuwi sa pamilya mo. Ayaw mong magpasundo sa mga kaibigan mo. Tinatakasan mo ang mundo. Dito ka na lang, sasamahan kita. Walang-wala ka na rin naman ngayon diba? Bubuuin kita. Edi stick together tayo? Duo tayo! Partners in crime! Best tandem pa." kalmado ngunit may katiyakan sa kaniyang mga binibitiwang salita.
"Inaamin ko, hindi ako okay! I am still on repairing myself, figuring things out as I should be. I thought that after some time, I'd actually get better. Pero hindi. Here we go again, it's the same situation where everything suddenly hits different. Feeling that everything was finally going well on my way and then it just starts to end up falling apart again. Just like that, I am destroyed." umiiyak kong pag-amin ng tunay kong nararamdaman.
"I d-didn't k-know." nakita ko ang pagkagulat at pagaalala sakaniyang mga mata at akmang hahawakan ang mga kamay ko ngunit tinabig ko iyon sa harap niya.
"I just wanted to take a break..." umiiyak kong sabi sakaniya at napaupo na lang ako sa sahig.
Lumuhod siya sa harapan ko at niyakap ako ng napaka-higpit.
"Ano ba! Bitiwan mo ako!" nagpupumiglas na sabi ko sakaniya.
"Ayoko, dito lang ako. Kahit ayaw mo nai sa akin, mananatili pa rin ako sa tabi mo. Kahit ipagtabuyan mo pa ako, ipaglalaban pa rin kita. Kahit masaktan mo pa ako, pipiliin pa rin kita. Kahit anong gawin mo, aalagaan at pro-protektahan pa rin kita. Kahit anong sabihin mo, mamahalin pa rin kita." niyakap niya pa ako ng sobrang higpit at unti-unti na rin akong yumakap sakaniya.
Umiyak lang ako ng umiyak sa mga balikat niya at hinayaan niya lang ako na ilabas lahat ng nararamdaman ko.
Hindi siya nagsalita, niyakap niya lang ako ng mahigpit.
Siguro nga hindi mga salita ang kailangan ko kundi isang yakap ng isang tunay na nagmamahal sa akin.
Kumalas siya sa yakap at kinuha niya ang phone niya sa lamesa pagkatapos ay nag-dial ito ng number.
Matapos ang tawag sa kausap niya ay nilapitan niya ako.
"Sumama ka sakin, I promise it will help you grow as a person and be better." nakangiting sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomanceThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...