9:26 PM
Kaagad siyang napalingon sa akin at ngumiti nang malapad na nagpagaan sa loob ko.
"Sino yung kausap mo kanina?" mausisa kong tanong sakaniya.
"Wala, ayan na ba yung pagkaing tinake-out niyo sa Tokyo-tokyo?" pagiiba niya ng usapan.
"Ah, oo. Nag-pass out ka kanina kaya nagpaiwan sina Shai at Ate Cherry para maalagaan ka lalong-lalo na ang pag-monitor sa kalagayan mo kaya hindi na kaming nag-abala na isama kayo para makapagpahinga ka." inabot ko sakaniya ang pagkain at tinanggap naman niya kaagad iyon.
"Salamat!" nakangiting pasasalamat niya para sa akin.
"Walang anuman, kumain ka na at magpalakas para hindi mo na maranasan ulit ang fatigue. Nagaalala ako sayo nang sobra eh." hinaplos ko ang kaniyang pisngi at inayos ko ang kaniyang buhok.
"Huwag kang magalala sakin okay? Hinding-hindi ako mawawala sayo. Nandito lang ako palagi." pinat niya ang aking ulo pagkatapos ay hinalikan niya ang noo na tanda ng kaniyang respeto at pagmamahal para sa akin.
"Halika, pasok na tayo sa loob." nakangiting aya ko sakaniya papasok sa loob ngunit bigla siyang napaaray noong hinawakan ko ang braso niya.
"Aray! Masakit." napangiwi siya kaya agad kong tiningnan ang kalagayan niya.
Inilapit ko siya sa mayroong liwanag upang makita kung ano ang dahilan kung bakit siya napa-aray.
Bone pain is extreme tenderness, aching or other discomfort in one or more bones. It differs from muscle and joint pain because it's present whether you're moving or not. The pain is commonly linked to diseases that affect the normal function or structure of the bone.
Bone pain is most likely due to decreased bone density or an injury to your bone, it can also be a sign of a serious underlying medical condition. Bone pain or tenderness could be the result of infection, an interruption in the blood supply or cancer. These conditions require immediate medical attention.
Bone pain usually feels deeper, sharper and more intense than muscle pain. Muscle pain also feels more generalized throughout the body and tends to ease within a day or two while bone pain is more focused and lasts longer. Bone pain is also less common than joint or muscle pain, and should always be taken seriously.
Nagulat ako nang makita ang maraming pasa sakaniya at pantal-pantal siya.
Petechiae are formed when tiny blood vessels called capillaries break open. When these blood vessels break, blood leaks into your skin. Infections and reactions to medications are two common causes of petechiae. CMV is an illness caused by a virus.
"Ano bang nangyayari sayo? Bakit ang dami mong pasa at pantal-pantal sa katawan?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
"H-hindi k-ko a-alam." nauutal niyang sagot sa akin ngunit nakikita ko ang sakit at paghihirap sa kaniyang katawan.
"Ate Cherry!" malakas kong tawag upang marinig niya agad ako.
Ilang segundo lamang ay lumapit ito sa amin ni Trevyn at kaagad na nagsalita.
"Bakit? May nangyari ba?" malumanay niyang tanong sa akin.
Tumingin ako kay Trevyn upang ipaalam kay Ate Cherry ang nangyayari sa kapatid niya.
"Jusko! Ang dami mong pasa at pantal Trev, sobrang namamawis ka!" hinawakan ni Ate Cherry ang kamay niya kapatid niya upang dalhin ito sa sofa.
Lumingon ako kay Shai at nakita ko itong mag-isa na tila'y may iniintay sa labas.

BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomanceThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...