Chapter 19

31 16 2
                                    

9:58 AM

Ngumiti sa akin si Trevyn at hinawakan ang kamay ko upang makabangon sa higaan.

Inihain niya sa akin ang mga pagkaing dala niya.

May fried rice, hotdog, itlog, pancakes, cereals with milk at tubig na malamig.

"Tinanong ko ang Kuya mo kung ano mga favorites mo sa breakfast pagkatapos ay humiram ako ng mga staffs ng panluto tapos yung iba naman ay galing sa dala naming pagkain. Hindi man yan kasing-sarap kung paano magluto ang Mommy pero sana maappreciate mo yung effort ko. I try my best na lutuin ang mga paborito mong pagkain. Kumain ka na, magpakabusog ka ha?" nakangiting sabi sa akin ni Trevyn.

"Naku choco, nag-abala ka pa pero sobrang salamat. Hindi rin kasi agad ako nagising dahil inumaga na tayo sa inuman kagabi tapos inayos pa namin ang sarili namin. Nagkwentuhan pa kami saglit nina Ysabel kaya mas lalong na-delay agad ang pahinga namin pero sobrang saya naman." nakangiting sagot ko kay Trevyn.

"Oo nga pala, maghanda ka na. Maglalaro daw tayo mamaya. May inihandang game ulit sina Kuya Zach para sa atin. Nagpaalam naman na kami ni Ate Cherry sa parents namin at pumayag naman sila. Tiwala naman sila na hindi niyo kami ipapahamak ni Ate Cherry kaya wala kaming naging problema." nakangiting sabi ni Trevyn sa akin.

"Mabuti na rin yung nagpapaalam kayo Trevyn kesa yung tumatakas kayo ni Ate Cherry. Nagaalala lang naman ang parents natin dahil ayaw nila tayong mapahamak. They want the best for us and it is important to listen to our parents." nakangiting sagot ko kay Trevyn habang nagii-start akong kumain ng cereals with milk.

"Well wala naman kaming ginagawang kagaguhan ni Ate Cherry kaya tiwala ang parents namin. Alam naman nilang matino kami at hindi gagawa ng gulo. Alam naman namin ang limits namin sa pagpayag nila." nakangiting sabi ni Trevyn sa akin.

"Mabuti na yun Trev, ayoko rin kasing nagaalala ang parents niyo sainyo habang kasama niyo kami." nakangiting sagot ko habang sumusubo ng fried rice na may hotdog sa kutsara.

"Kamusta ba ang tulog mo? Okay ka lang ba, hindi ba masakit ang ulo mo sa hang-over?" mausisang tanong no Trevyn sa akin.

Sumubo muna ako ng fried rice na may itlog at hotdog sa kutsara pagkatapos ay uminom ako ng tubig bago ko sagutin ang mga tanong niya.

"Sa una mong tanong kung kamusta ba ang tulog ko? Ang sagot ko ay okay lang naman ang tulog ko, ang comfortable ng kama. Sobrang lambot tsaka ang lamig ng aircon. Ang sarap matulog. Sa pangalawa mong tanong kung okay lang ba ako? Ang sagot ko ay okay lang naman ako, masayang-masaya at buo. Sa pangatlo at huli mong tanong, kung masakit ba ang ulo ko dahil sa hang-over? Hindi masakit ang ulo ko, malakas siguro talaga ang tolerance ko sa alcohol kaya hindi agad ako mabilis maging tipsy mo malasing." nakangiting sagot ko sa mga katanungan niya pagkatapos ay nilantakan ko naman ang pancake. Ini-spread ko ang butter muna sa pancake pagkatapos ay isinubo ko na dahil mayroon ng mapple syrup.

Ang sarap talaga ng pancake! Ang ganda talaga ng umaga kapag may mga pagkain kang masarap sa hapag.

"Mabuti naman kung ganoon, nagaalala kasi ako sayo baka masakit ang ulo mo. May dala din akong gamot para sa hang-over if ever sana na kailanganin mo pero mukhang malakas ka na naman kaya hindi mo na siguro ito kailangan." nakangiting sabi sa akin ni Trevyn.

"Ay grabe ka, ang boy-scout mo talaga no? Lagi kang handa sa anumang bagay. Kamusta naman pala sina Tita't Tito? Ayos lang ba sila? Hindi na kasi ako nakabalik kagabi dahil bukod sa pagod ay kailangan ko pang mag-linis ng katawan." malumanay kong sabi kay Trevyn.

"Okay naman sina Mommy at Daddy. Nagtaka nga ako dahil ganung oras ay gising pa sila. Hindi raw kasi makatulog si Mommy ng hindi kami nakikita. Nagulat nga sila nung basa kaming umuwi at halos antok na antok na kami pero na-manage naman namin ng maayos na linisin muna ang mga katawan namin bago humiga ng kama. Nung umaga naman na kasabay namin silang mag-breakfast ay dun nila kami tinanong tungkol sa ginawa natin kagabi. Sinabi ko ang lahat ng nangyari at wala namang kaso sakanila basta alam nilang nag-enjoy kami." nakangiting sagot kay Trevyn.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon