5:45 PM
Nakita ko si Mommy na nasa kusina na may nilulutong meryenda kaya dumiretso naman kaagad ako roon.
Nilapag ko sa lamesa ang mga pinamili ko at lumapit naman ako sa direksyon niya.
"Mi, anong niluluto mo?" mausisa kong tanong kay Mommy.
"Nagluluto ako ng lasagna. Trina-try ko lang yung mga recipe ng ibang youtubers sa Youtube." nakangiting sagot ni Mommy sa akin.
"Mukhang masarap siya Mi! Excited na akong matikman yang luto mo." nakangiting sabi ko kay Mommy.
"Pero mas nakakagana yatang pagmasdan yang mukha mo, anak. Ang saya mo yata ngayon ah! Anong balita pala sa lakad niyo ni CJ?" mausisang tannong ni Mommy sa akin.
"Naging masaya at sulit ang mga purchases namin ngayong araw Mi, ang dami naming inasikaso ngayong araw." nakangiting sagot ko kay Mommy.
"Sure ka bang mga inasikaso lang?" nakangising tukso sa akin ni Mommy.
"Ayan ka na naman Mi ha, wala lang iyon. We're friends." pananabla ko sa mga pangaasar niya sa amin ni Czheandrei.
"Sus, lahat naman ng nasa relationship o married couple ngayon ay sa pagiging friends ang start." natatawang asar pa niya sa akin.
"Alam niyo namang wala pa sa isip kong mag-boyfriend ngayon Mi diba? Kamamatay lang ng fiancee ko, ngayon pa lang ako nagi-start na mag-heal sa lahat ng pangyayari. Ayokong gamitin si CJ para makalimutan ko si Trevyn, Mi. Hindi ako ganoong babae na gagawin siyang rebound, he deserves better." malumanay kong sabi kay Mommy.
"Sa totoo lang anak, hindi naman porket namatay si Trevyn ay tatanggalan mo na ang sarili mo na may karapatang umibig at sumaya sa buhay. Kung nandito lang siya, hindi siya papayag na magkaganiyan ka." malungkot na sagot sa akin ni Mommy.
"Pero kung siya ang nandito, siya ang pipiliin ko. Kaso wala, iniwan na niya ako mag-isa eh." malungkot kong sabi kay Mommy.
"Hindi ka naman nagiisa anak, nandito kami. Ang pamilya mo, mga kaibigan mo, ang Diyos, mga tagahanga mo at lahat ng mga taong sumusuporta sayo lalong-lalo na ang mga nagmamahal sayo." nakangiting sagot ni Mommy sa akin.
"Bakit ganoon Mi? Akala ko tanggap ko nang wala siya pero bakit hinahanap-hanap ko pa rin ang presensya niya rito." naiiyak kong sabi kay Mommy.
"Mahal na mahal mo kasi ang taong iyon anak kaya hirap na hirap kang pakawalan siya. Iyon ang rason kung bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap ang pagkawala niya. nakangiting sagot ni Mommy sa akin at kaagad na lumapit sakin para yakapin akong mahigpit.
"Hanggang ngayon ay parang panaginip lamang ang lahat Mi. Noong una, akala ko wala na yung sakit sa puso ko at natanggap ko na lahat. Hindi ko pa rin pala kaya. Aaminin ko, nami-miss ko pa rin ang presensya niya Mi. Naging kasama ko siya through my up's and downs. Sa lows and highs. Isa siya sa mga pinaka-malaking parte ng buhay ko kung sino at ano ako ngayon kaya sobrang mapagpala ang Diyos noong nakilala ko siya." umiyak lang ako ng umiyak sa mga balikat ni Mommy na parang batang paslit na naagawan ng kendi sa daan.
"Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana. Iyon ang mga eksaktong mga salita upang i-describe ang timeline sainyong dalawa." malumanay na sabi sa akin ni Mommy.
"At sa wakas ay naintindihan ko na kahit gaano kaganda ang paglubog ng araw kasama siya, ito ay nagpapahiwatig ng katapusan ng istorya naming dalawa." malumanay kong sagot kay Mommy.
"Kung hindi man para sainyo ngayon ang panahon at muling nag-krus ang landas ng inyong hinaharap. Maari niyo nang piliin ang isa't-isa ngayon kagaya ng pagpili niyo noon sa kahapon." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.
BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomanceThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...