Chapter 23

30 12 11
                                    

2:46 PM

"Wala namang hindi kakayanin para sa pangarap. Lahat ng tao na gustong magtagumpay ay daraan sa proseso upang makamit ito. Minsan nasa itaas o nasa ibaba." nakangiting sagot ni Kuya Zach kay Kuya.

"Uy hindi na natin naituloy yung mga questions kanina. Sino ba ang sunod na sasagot?" malumanay na sabi ni Ate Cherry sa aming lahat.

"Si Vincentius na lang yata, naputol tayo doon kanina dahil pinaguusapan natin kung sino-sino ang mga Dean's Lister hanggang sa naiiba na ang topic." kalmadong sagot ni Yohannes kay Ate Cherry.

"Ang galing mong magjugde kunsabagay judgemental ka naman eh." kalmadong sagot ni Vincentius sa tanong ni Kuya Zach kanina.

Alam na alam mo talaga kapag sobrang inggit yung tao sayo. Lahat na lang ng gagawin mo ay big deal sakanila.

Ano bang ginagawa ng judge? Edi hinuhusgahan ang mga contestants. May iba-iba tayong taste. Kung sino ang nagstand-out sa paningin nila ay iyon ang bibigyan nila ng mataas na score.

"Yung event ba yan noong Mr. and Ms. sa bawat courses? Naalala ko dude isa ka sa mga judges noon diba?" kalmadong sagot ni Yohannes kay Vincentius.

"Oo dude, ayun nga. Marami ang nagsabi sa akin na hindi raw ako patas magbigay ng scores." kalmadong sabi ni Vincentius kay Yohannes.

"Ganyan naman talaga kapag may competition, gusto nilang manalo ay yung pambato nila. Ang harsh lang talaga nung iba sa pagkaka-deliver ng message. Hindi naman nila ang pinagdadaanan ng mga judges before mai-announce yung winner. Yung gusto mong manalo lahat ng contestants pero dapat isa lang ang manalo." kalmadong sagot ni Kuya kay Vincentius.

"Totoo yon, mahirap din naman sa akin magdesisyon noong gabi na iyon. Bilang judge, kailangan kong gawin ang nakaatang na gawain sa akin." kalmadong sabi ni Vincentius kay Kuya.

"Sobrang inspiring ng mga kwento niyo no? Sana magtagumpay kayong lahat sa gusto niyong makamit sa buhay." nakangiting sabi ni Kuya Zach sa aming lahat.

"Ilang questions pa ba ang mayroon tayo Kuya Zach?" malumanay na tanong ni Ysabel kay Kuya Zach.

"Mga six questions na lang ang natitira. Next na ba tayo?" kalmadong sagot ni Kuya Zach kay Ysabel.

"Next question na tayo Kuya Zach." malumanay na sabi ni Nicole kay Kuya Zach.

"Have you experienced being bullied and how will you deal with it?" seryosong tanong ni Kuya Zach.

"Bata pa lang ako ay lagi akong nabu-bully noon. Kung hindi niyo naitatanong, mataba kasi ako noon. Kung ano-anong masasakit na salita ang natatanggap ko mula sakanila. Madalas kong tawagan si Kuya noon para sunduin ako sa Guidance Office. Hindi ko makakalimutan yung mga magulang na ayos lang sakanila na may binu-bully ang anak nila. Tinatawanan lang nila ako at wala silang pakialam kung nakasakit man ng damdamin ang anak nila. Simula ng mangyari iyon, nagpapayat talaga ako. Kumakain ako ng tama, nag-eehersisyo ako palagi at laging sapat ang tulog ko. Nag-aral din ako ng self-defense para maprotektahan ko ang sarili kapag pisikalan na ang labanan. Sinigurado kong hinding-hindi na ulit nila ako kakayan-kayanin at aapihin." mahabang sagot ko sa tanong ni Kuya Zach.

"Totoo yon, araw-araw laging binu-bully noon ang kapatid ko. Malayo ang building namin noon sa building niya kaya hindi ko siya nababantayan ng maayos." seryosong sabi ni Kuya sakanilang lahat.

"Naranasan ko rin ang ma-bully noon dahil hindi ako matalino. Late bloomer kasi ang utak ko. Bata pa lang ako ay pangarap ko na talagang maging arkitekto. Hindi ako magaling sa Math o Science noon. Hindi rin ako magaling sa sukat at sa pagguhit. Hindi ako honor student kagaya ng mga kaklase ko. Hindi naman ako bumagbagsak. Nag-aral akong mabuti at nag-ensayo upang gumaling ako sa pagguhit. Heto ako ngayon, isang STEM student." kalmadong sagot ni Ysabel sa tanong ni Kuya Zach.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon