Chapter 96

15 1 15
                                    

5:36 PM

Sumakay lang kami ng dalawang jeep at isang tricycle upang makarating kami sa ilog kung saan sinunog ang katawan ni Trevyn.

Inilahad ni Czheandrei ang kamay niya at kaagad ko naman iyong inabot. Pumasok na kami sa loob at pinagmasdan ang napaka-ganda ngunit napaka-linis na ilog na tila'y isang tanawin sa aking mga mata.

Humanap kami ng mauupuan at inaalala ang mga sandali noong nagkaroon ng river burial ni Trevyn.

Flashback

Nanatili lamang kaming tahimik ni Ate Cherry buong byahe. Ilang minuto rin ang inabot namin bago kami nakarating sa bahay ng mga Florez.

Sinalubong kami ng mga magulang nina Ate Cherry na nagdadalamhati sa pagkawala ng anak nila. Kaagad namang niyakap ni Tita ang anak niya at umiyak sa mga balikat nito.

Nakita ko rin kung paano magdalamhati si Tito sa kaniyang kaloob-looban. Hindi man siya umiiyak pero ramdam ko ang sakit sakaniyang puso.

Alam kong hindi madali ang pagtanggap sa pagkawala ng isa sa mga mahal natin sa buhay pero hindi nararapat na ikulong natin ang sarili natin sa sakit.

Pinasan ni Tito si Trevyn upang dalhin siya sa kaniyang kwarto at naalala ko ang huling habilin sa akin ng childhood bestfriend ko.

Nakita ko ang study table ni Trevyn at kinuha ko ang dalawang flashdrive roon. May label parehas ang flashdrive na ito.

Isa para sa akin at isa para sa mga kaibigan lalong-lalo na sa pamilya niya.

Kinuha ko rin ang medium-sized na kahon at nakita ko ang napakaraming hand-written letters niya para sa aming lahat.

Naks! Handang-handa ka Trev ah?

Boy Scout yarn?

Binihisan naman ni Tita si Trevyn habang inaayusan naman siya ni Ate Cherry.

Hinding-hindi ako magsasawang tingnan ang mukha mo sa huling sandali.

Napaka-gwapo mo Trev ah?

You really fought hard for me, for us.

Hindi lang talaga umayon sa atin ang panahon.

Masayang-masaya ako na nasa kaharian ka na ng Diyos at tahimik ang iyong pamumuhay na walang kahit anong sakit.

Sisikapin kong tanggapin na wala ka na, Trev.

Magiging ayos din ako at maghihilom rin ang mga sugat sa puso ko dulot ng pagkawala mo sa mundo.

Huwag kang magalala, hahayaan ko pa rin ang sarili ko maging masaya kahit wala na ang presyensya mo sa tabi ko.

Natapos na silang damitan at ayusan si Trevyn pagkatapos ay tinawagan ni Tita ang isang pari na gagawa ng seremonyas para sa libing ng childhood bestfriend ko.

Binuksan ko ang Messenger ko at nag-message ako sa mga group-chat ng kaibigan namin ni Trevyn.

Sinabi ko kung saang ilog susunugin ang katawan niya habang nakalagay siya sa bangka.

Kaagad naman silang nagsi-reply at ini-off ko na ulit ang phone ko.

"Papunta na raw sina Father at ang mga altar servers para dasalan ang katawan ni Trevyn bago sunugin ang katawan niya habang nakalagay sa bangka." malumanay na sabi sa amin ni Tita.

"May ibibigay nga pala ako sainyong lahat." nakangiting sabi sa amin ni Ate Cherry.

May hawak siyang apat na necklace na parang tablet-shape na may lamang dugo.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon