Chapter 60

36 6 2
                                    

7:54 AM

Pumasok kami sa loob ni Trevyn at bumungad sa akin ang pamilya ko. Tila'y mga lantang gulay sa sobrang pagod at kawalan ng gana.

Una akong nakita ni Kuya Adrixennon at kaagad itong lumapit sa akin.

"Saan ka ba galing? Ang tagal-tagal mong nawawala!" niyakap niya ako nang mahigpit at nginitian niya ako.

"Nagpakalayo-layo muna ako para madiscover at mas maging better person ako, kailangan kong mag-isip. Naging magulo ang mundo ko sa isang iglap, nagbago ang lahat. Noong umalis ako sa bahay, nakaramdam ako ng saya at kalayaan. Walang halong pagdidikta sa kung anong dapat kong gawin at anong hindi ko dapat gawin. Napagtanto ko na ang tunay na saya ay mahahanap sa mismong sarili ko hindi sa pagkakaroon ng katuwang sa buhay." malumanay kong sagot sakaniya pagkatapos ay niyakap ko rin siyang mahigpit at nginitian.

"Hinahanap-hanap ka ng Daddy mo noong nalaman niyang nawawala ka. Ilang oras na din siyang pabalik-balik sa presinto para alamin kung may lead na ang mga pulis sayo." madamdaming sabi sa akin ni Mommy.

"Alam mo Mommy? Kahit pagbalig-baligtarin ko man ang mundo, tatay ko pa rin siya. Kahit gusto kong magalit sa mga pinaggagawa niyang pakikialam at pangongontrol sa buhay ko, I will always be his daughter." kalmadong sagot ko kay Mommy.

"So napatawad mo na si Daddy?" singit ni Kuya Adrixennus sa usapan.

"Hindi pa man siya humihingi ng tawad, napatawad ko na siya. Ayokong nagtatanim ng sama ng loob sakaniya, tatay pa rin naman natin siya after all. Hindi naman magbabago yun." malumanay kong sagot kay Daddy.

"Kuya Xennon, maari bang humingi ng pabor?" kalmadong tanong ni Trevyn kay Kuya Adrixennon.

"Sige, anong pabor?" kalmadong sagot ni Kuya Adrixennon kay Trevyn.

Lumapit si Trevyn kay Kuya Adrixennon at may binulong ito sakaniya. Tuma-tango lang si Kuya Adrixennon at may tinawagan sa phone.

"Tatawagan ko lang ang Daddy mo, iinform ko lang na nakauwi ka na." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

Hinila naman ni Kuya Adrixennus ang braso ko papuntang sofa at umupo kami doon para mag-kwentuhan.

"Paano kung matuloy ang arranged marriage mo? Anong plano mo?" kalmadong tanong ni Kuya Adrixennus sa akin.

"Edi maging runaway bride siguro? Maging laman ng balita? Alam mo namang may paninindigan ako sa prinsipyo ko sa buhay. May isang salita ako. Kapag ayaw, ayaw ko. Hinding-hindi niyo ako mapipilit." malumanay kong sagot kay Kuya Adrixennus.

"Alam ko naman yun. Gusto mo ba akuin ko na lang ang arranged marriage mo?" kalmadong tanong ni Kuya Adrixennus.

"Hindi mo naman kailangan gawin yun Kuya. Ang mabuting gawin natin ay ipaliwanag kay Daddy na hindi natutunan ang pagmamahal. Hindi natuturuan ang puso. Kailangan maintindihan ni Daddy ang mga bagay na iyon." malumanay kong sagot kay Kuya Adrixennus.

"Paano kung hindi makinig si Daddy sa mga paliwanag mo? Paano kung hindi pumayag si Daddy na hindi ituloy ang arranged marriage mo?" nagalalang tanong sa akin ni Kuya Adrixennus.

"Huwag tayong mawawalan ng pag-asa hangga't wala pa tayong nagagawa. Paano ka mananalo sa isang sugal kung hindi ka tataya? Sa buhay, madadapa at madadapa ka muna bago ka matutong lumakad." malumanay kong sagot kay Kuya Adrixennus.

"Sabagay, wala namang masamang subukan ang mga bagay. Wala namang mawawala." kalmadong sabi sa akin ni Kuya Adrixennus.

"Sa buhay natin, planuhin man nating mabuti ay di maiiwasan ang magkamali. Maraming detalye ang makakaligtaan. Mamamali ka ng daan lalo na kung wala kang gaanong alam. Ang mahalaga, haharapin mo ang lahat ng pagsubok sa buhay ng walang inaatrasan. Mapapagod lang pero hindi susuko." nakangiting sagot ko sakaniya.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon