Trigger Warning : Some scenes and language may not suitable for very young readers. Read at your own risk.
2:14 AM
Hindi makatulog ang isipan ko sa bangungot na naganap kani-kanina lamang.
Nanginginig ang mga kamay ko nang kusa.
Tila'y lumamig ang simoy ng hangin.
Paulit-ulit lang akong lumakad sa loob ng apartment at hindi mapakali.
Parang sasabog ang ulo ko sa daming pangyayaring nagaganap.
Napahawak ako sa aking sintido at bumalik ang mga eksena ng aking nakaraan.
Flashback
Natigil ang pag-ambang halik sa akin ni Kuya Jerald.
May tumatawag sa phone ko.
Naluha ako nang bahagya noong makita ko ang pangalan.
Si Daddy.
Sabik na sabik akong makausap siya kaya sinagot ko agad ang tawag niya.
On call
Daddy: Hello anak, kamusta ka diyan?
Hindi ko mapigilan ang mga luhang nagbabagsakan mula sa mukha ko.
Adrixeinna: Hello Daddy, okay naman po ako dito. Wag kayong mag-aalala sa akin.
Daddy: Pasyensya ka na anak, ngayon lang ako nakatawag ha? Mahina ang signal sa ospital.
Adrixeinna: Daddy, kailan po ba kayo uuwi?
Pinigil kong hindi mag-crack ang boses ko upang hindi siya magalala.
Daddy: Konting tiis muna anak, medyo matatagalan pa kami dito sa ospital.
Daddy: Maraming tests ang kailangan gawin sa Mommy mo.
Adrixeinna: Ganoon po ba Daddy? Paki-kamusta na lang po kina Kuya at Mommy. Mahal na mahal ko po kayo.
Miss na miss ko na ang pamilya ko.
Daddy: Alagaan mo ang sarili mo anak, mahal na mahal ka din namin.
The call ended.
Nakita ko sa mga mata ni Kuya Jerald ang awa.
Nilapag ko ang phone ko at pinunasan ko ang mga luhang pumatak kanina.
Nakakalungkot . . . . . .
Tinapos ko na lamang ang pagluluto ko ng agahan at kaagad na akong naghain.
Biglang sumulpot ang Tita ko kasama ang anak niya.
Uupo na sana ako sa hapagkainan ngunit may ipinag-utos muna sa akin si Tita.
"Oh Xeinna bago ka kumain, pakainin mo muna ang anak ko. Paliguan at bihisan. Doon ka na lang kumain sa tindahan, kailangan ko ng magbabantay doon." striktong utos sa akin ni Tita.
"Masusunod po Tita." magalang kong sagot sa kaniya.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko.
Pinakain ko ang pinsan ko.
Pinaliguan sa banyo.
Binihisan sa kwarto.
BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomanceThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...