Trigger Warning : Some scenes and language may not suitable for very young readers. Read at your own risk.
6:14 AM
Nagising ako sa malalakas na boses na nanggagaling sa aming living room.
Kaagad akong bumangon sa aking kama at naghilamos ng aking mukha. Kinuha ko ang skin care ko sa umaga para gawin ang aking routine.
Tinanggal ko sa pagkakasaksak ng charger ko at hinugot ang cellphone ko doon.
Binuksan ko na ang pinto upang lumabas ng kwarto ko. Nagulat ako nang may makita akong mga pulis sa loob ng bahay namin kasama ang pamilya ko.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan at sinalubong ang pamilya ko. Nakauwi na pala sila galing sa bahay ni Lola.
"Kuya, bakit may kasama kayong pulis?" mausisa kong tanong kay Kuya Adrixennus.
"May kailangan kaming ipaarestong tao sa mga pulis na kasama namin ngayon upang makamtan natin ang hustisya." biglang sabat ni Kuya Adrixennon sa usapan namin ni Kuya Adrixennus.
"Anong hustisya ang sinasabi mo Kuya?!" naguguluhang tanong ko kay Kuya Adrixennon.
"Hustisya para sa girlfriend kong si Alyana, nakalimutan mo na ba ang krimen na kinasangkutan ng childhood bestfriend mo?" nakita ko ang galit at lungkot sa mga mata ni Kuya Adrixennon at tila'y unti-unti nitong winawasak ang puso ko.
"Pero aksidente ang nangyari Kuya! Imulat mo ang mga mata mo sa katotohanan, hindi niya sinasadyang mabangga ang girlfriend mo!" nanginginig ang laman ko sa galit at pagkadismaya kay Kuya Adrixennon.
"Sinadya niya man o hindi, nararapat lamang siyang makulong!" nahahalata sakaniyang pagsasalita ang galit at sakit sa tuwing napapagusapan ang mga bagay tungkol sa namayapa niyang kasintahan.
"Akala ko ba nag-hilom na lahat ng sugat sa puso mo? Akala ko ba buburahin mo na lahat ng masasamang alaala mo sa nakaraan? Bakit?" nag-umpisang magsi-bagsakan ang luha ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Hindi mo naiintindihan eh!" hinawakan niya ang braso ko at tumitig sa mga mata ko.
"Edi ipatindi mo sa akin! Bakit ba palaging nagdedesisyon kayo nang wala ako? Hindi ba ako parte ng pamilyang to?!" tinulak ko ng malakas si Kuya Adrixennon upang mapaupo siya sa sahig.
"Adrixeinna!" maawtoridad na suway sa akin ni Daddy ngunit hindi ko pinakinggan iyon.
"Alam naming hindi ka papayag sa pagpapakulong sa childhood bestfriend mo!" malakas na bulyaw ni Kuya Adrixennon sa akin.
"Sa mga mata ko, inosente siya! Mabuti ang puso niya at hinding-hindi ako susuko sakaniya dahil alam kong mabuting tao siya. Gagawin ko ang lahat para mapatunayan na dapat siyang mapawalang-sala kahit magharap pa tayo sa korte." walang emosyon kong sagot kay Kuya Adrixennon.
"Paano mo nagagawang kampihan ang pumatay sa girlfriend ng sarili mong kapatid?! Kahit pagbali-baligtarin mo ang mundo, nabangga niya ang kasintahan ko at siya ang suspek kung bakit siya namatay!" gigil na gigil na sabi sa akin ni Kuya Adrixennon.
"Paano ko nagagawa ang lahat nang ito? Sa pagmamahal ko para sakaniya, Kuya. Iyon ang dahilan." walang emosyon kong sagot kay Kuya Adrixennon.
"Kung ang pagmamahal na iyan ang sisira para makuha ko ang hustisya para sa girlfriend ko. Ngayon pa lang, itigil mo na yan." walang emosyong sabi ni Kuya Adrixennon sa akin.
"Sa tingin mo ba matutuwa si Ate Alyana na may sisirain kang buhay para sakaniya? Hinding-hindi matatahimik ang kaluluwa niya sa mga pinaggagawa mo Kuya!" malakas kong bulyaw kay Kuya Adrixennon.

BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomansaThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...