8:19 PM
Nagsimula na ang concert ng Music Club at natuwa ako sa mga acapella performance nila.
Ang ganda sa pandinig ng mga kanta!
Halo-halong emosyon ang mararamdaman mo sa tuwing maririnig mo ang boses ng lahat.
Ang pag-jamming ng crowd sa mga performers ay talagang nakakagalak sa puso.
Nag-perform na ang banda nila Kuya Adrixennus.
Ang unang kanta na kanilang pinerform sa stage ay Araw-Araw by BenBen.
Itong kanta ay nagpapahiwatig na sa buong buhay natin, sinenyasan tayong gumawa ng karagdagang milya para maging masaya ngunit ipinaalala sa atin ng kanta na may higit pa sa kaligayahan kaysa sa alam natin na kung minsan, ang paggawa ng dagdag na milya ay nangangahulugan ng pagpapahalaga sa kung ano ang mayroon tayo. Ang pagiging masaya ay hindi palaging nangangahulugan ng pagbaril para sa mga bituin at paghabol sa malabo at abstract na mga konsepto ng pag-ibig at buhay. Minsan ang ibig sabihin ng pagiging masaya ay pagpili kung ano ang nagpapasaya sa atin araw-araw.
Sinasabi ng mga tao na ang kaligayahan ay isang pagpipilian at hindi mo maitatanggi ang katotohanan na may mga taong nag-aalinlangan sa ideyang iyon ngunit binibigyang-diin ng kanta na ang kaligayahan ay hindi kasing komplikado ng inaakala natin. Minsan ipinapaalala na nasa harap na natin ang gusto natin. Ito ay isang oras lamang kapag napagtanto natin na ito ang gusto natin noon pa man. At bago natin malaman, wala na ito.
Maraming tao ang nag-aalinlangan sa mga bagay-bagay ngunit kung alam mo kung ano ang nagpapasaya sa iyo, o kung sino ang nagpapasaya sa iyo. Kailangan mong piliin ito araw-araw dahil ang buhay ay hindi palaging isang maliwanag at maaraw na araw. Kailangan mong panghawakan ang mga bagay na nagpapasaya sayo. Dahil kung wala ka, sino ang gagawa? Kahit paano kapag natapos na ang ulan, mayroon kang panghahawakan. Mayroong isang bagay na magpapaalala sa iyo na may mas malalaking bagay sa buhay kaysa sa mga problema at may mga taong mahal na mahal mo, ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo ay mananatili.
Ang sarap pakinggan ng kanilang musika na hatid ng banda kasabay ang pag-jamming ng crowd sakanila.
Isang napaka-gandang tanawin kung iyong pagmamasdan.
Napaka-ganda ng mensahe ng araw-araw lalo na sa mga taong nagmamahalan.
Mga taong pipiliin natin sa araw-araw.
Pipiliin nating mahalin sa araw-araw.
Pipiliin nating alagaan sa araw-araw.
Pipiliin nating protektahan sa araw-araw.
Nakita ko si Mommy at Daddy na magkadikit ang mga noo na tila'y nilalasap ang ganda at mensahe ng kanta.
Sumandal naman ako sa balikat ni Kuya Adrixennon.
"Alam mo? Kung mapapanood ito ni Alyana, sigurado akong matutuwa siya. Mahilig siya manood ng mga nagpe-perform noong buhay pa siya. Bagay na bagay sa amin sa relasyon namin ang kanta. Siya ang tanging babaeng pipiliin ko sa araw-araw." nakangiting sabi sa akin ni Kuya Adrixennon habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Masayang-masaya ako kung sakaling na-meet ko man lang siya. Ngayon, magkasama na sila ni Trevyn. Ang guardian angel ko." nakangiting sagot ko kay Kuya Adrixennon habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Baby girl, patawarin mo ako kung hindi ko nasabi sayo ang kasunduan namin ni Trevyn. Gusto kong makuha ang hustisya sa pagkamatay ni Alyana pero ang kapalit noon ay masasaktan ka. Ayaw kitang masaktan kaya nilayo na lang din kita sa katotohanan na malapit na ang kaniyang pagpanaw upang makuha ko rin ang hustisyang matagal ko na dapat nakamtan." malungkot na sabi sa akin ni Kuya Adrixennon habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomanceThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...