5:48 AM
Ilang araw din ang inabot ng election campaign namin at ngayon na ang araw na malalaman namin ang resulta ng lahat ng pinaghirapan namin.
Maaga akong nagising at inayos ko na lahat ng mga gamit ko sa school.
Naligo na ako at nag-bihis ng uniform saka school shoes ko.
Naglagay na din ako ng morning skin-care routine ko at lotion ko sa katawan.
Nagsuklay na ako at gumamit ako ng blower saka hair iron para ma-straight ng sobra ang buhok ko.
Naglagay ako ng maroon headband sa ulo ko at naglagay na ako ng perfume sa katawan.
Tinanggal ko sa pagkakasaksak ang charger ng phone ko at isinilid ko na din sa bag ko ang earphones ko para hindi ko makalimutan.
6:45 AM
Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko si Mommy na nagluluto habang si Daddy saka ang dalawa kong Kuya ay may kaniya-kaniyang ginagawa.
Hinanda na ni Mommy ang breakfast at natapos na pala siya sa pagluluto niya kanina.
Pinag-lead ng prayer ni Mommy si Kuya Adrixennon at nagsimula na kaming mag-Sign of The Cross.
Nanalangin si Kuya Adrixennon sa Diyos at nagpasalamat kaming lahat sa mga pagkaing nakain sa aming lamesa.
Nag-Sign of The Cross ulit kami bago tapusin ang aming panalangin.
Kumain na kami ng breakfast at nagsandok ng kaniya-kaniyang pagkaing nagustuhan namin sa lamesa.
Nagpatuloy ang aming asaran, tawanan at kwentuhan.
Hindi na ako pinatulong ni Mommy sa paghuhugas ng mga kinainan dahil baka mabasa ang uniform ko.
Kinuha ko na ang bag ko pagkatapos ay humabol pa ako ng isang toothbrush para hindi mabaho ang hininga ko.
Maingat ko itong ginawa para hindi mabasa ang aking uniform.
Nagpaalam na kami kina Mommy at Daddy upang makapasok na kami sa school.
Tinawag ko naman si Manong Ernesto para ihatid kami sa school.
Kaagad naman niya kaming pinasakay sa kotse at sinunod naman namin ni Kuya ang utos niya.
Sumakay na kami ng kotse at nag-start na siya ng makina upang manenohin ang kotse.
7:25 AM
Habang nasa biyahe kami papuntang school ay ipinasak ko ang earphones ko sa aking tenga at nagpatugtog ako ng mga playlists ko sa phone.
Pinagmasdan ko ang mga view na nakapaganda sa may labas ng bintana ng kotse.
Umaga-umaga na talaga at napaka-liwanag ng sikat ng araw.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa school ni Kuya at bumaba na kami ng kotse.
Sinalubong naman ako ng mga Former SSG Officers at ng squad namin para sabay-sabay naming malaman kung ano ang resulta ng botohan.
Sabay-sabay kaming nagpunta sa gynamiusm at umupo kami sa harapan.
Nasa kabilang side naman ang mga kalaban namin na nagiintay rin ng resulta ng botohan na naganap ng tatlong araw.
Nakita ko na ang mga hosts for today at tumayo na sila sa stage.
Nag-start na ang program at nagsimula muna kami sa isang panalangin sa araw na ito.
Nagsalita ang mga mahahalagang tao sa paaralan na sobra ang kontribusyon upang pamahalaan ito.
Matapos iyon ay may biglang projector na lumabas at nakita ang isang presentation galing sa school.

BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomantizmThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...