Trigger Warning : Some scenes and language may not suitable for very young readers. Read at your own risk.
8:19 PM
Si Trevyn.
Ang childhood bestfriend ko.
"Sumama ka sakin!" malakas na sigaw niya sa akin at hinila ang kamay ko.
"Teka pre! Saan mo siya dadalhin?" tinulak ni Danerie si Trevyn at lumapit sila sa isa't-isa.
"Anong problema mo?! Iuuwi ko na ang childhood bestfriend ko! Lasing na siya, hindi niyo ba nakikita?" nakikita ko ang galit sa mga mata ni Trevyn kahit nahihilo na ako gawa ng tama sa akin ng mga alak na nainom ko kanina.
"Danerie, sa tingin ko kakilala naman siya ni Pres. Ipaubaya mo na siya sa lalaking yan." malumanay na sabi ni Vee kay Danerie.
"Matagal na silang magkakilala DJ, wala naman siyang gagawing masama kay Pres." kalmadong sabi ni Edward kay Danerie.
"Childhood bestfriends nga sila diba? Hayaan mo na!" kalmadong sabi ni Kiel kay Danerie.
"Ayoko lang may mangyari sa President natin, hindi natin kilala ang isang ito." kalmadong sagot ni Danerie sakanilang lahat.
Tatayo sana ako kaso bigla akong natumba.
Nasalo naman ako ni Trevyn kaagad.
"Iuuwi ko na siya. Ako na ang bahala sakaniya." seryosong sabi ni Trevyn sakanilang lahat.
Hinila na ako ni Trevyn papalabas ng bar.
Nagpatangay na lang ako sakaniya at pinasakay ako sa isang kotse.
"Sakay!" natakot naman ako sa madilim na awra nito kaya napilitan akong sumakay sa kotse nito.
Naglagay na ako ng seatbelt sa may passenger seat.
Pinahahurot niya agad ang kotse pagkasakay ko.
Kahit paano ay nawawala na ang tama sa akin ng alak.
Nabalik na kahit paano ang tamang wisyo ko.
"Saan mo ako dadalhin? Hindi naman ito ang daan papauwi!" naguguluhang tanong ko sakaniya.
"Just sit back, relax and enjoy the show!" makahulugan nitong sabi sa akin.
"Ibaba mo ang kotse!" malakas na bulyaw ko sakaniya.
Dini-diretso niya pa rin ang pagmamaneho ng kotse.
Huminto kami sa isang warehouse at napaka-dilim ng lugar.
Pinapasok ako sa loob ni Trevyn at kaagad ko na lamang siyang sinunod.
"Upo!" nilagyan niya ng tali ang katawan ko kasama ang upuan.
"Anong ginagawa mo?! Bakit ako nakatali?" naguguluhang tanong ko sakaniya.
"The show must begin." nakangiting sagot niya sa akin.
May tinawagan si Trevyn at nakaloud-speaker ito.
Mukhang nais niya talagang marinig ko ang mga magiging usapan nila.
"Hello?" boses iyon ni Mommy.
"Mrs. Victoria, nasa akin ang anak ninyo! Pumunta kayo dito sa warehouse na ise-send ko! Huwag na huwag kayong magdadala ng pulis dahil sisiguraduhin kong buhay ng anak ninyo ang magiging kapalit." seryosong sabi ni Trevyn sa Mommy.
"Anong pinagsasabi mo?! Kung nampra-prank ka lang, tigilan mo na ito! Hindi na ako natutuwa sa mga inaakto mo ngayong araw." seryosong sagot ko kay Trevyn habang kausap niya si Mommy sa telepono.
![](https://img.wattpad.com/cover/240041201-288-k938850.jpg)
BINABASA MO ANG
I'M INTO YOU SEASON 1
RomanceThey say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels like that he's the only person you can see. You can't take your eyes off him, your hands are trembling when he holds it, the nearer he is ;...