Chapter 84

19 1 15
                                    

12:45 AM

Naglalakad ako papunta sa isang malapit na 24 hours open convenient store.

Kinuha ko ang wallet at phone ko sa bag ko.

Nagtingin-tingin ako ng mga pagkain na maari kong mabili. Kumuha rin ako ng basket para may lalagyanan din ako.

Kumuha ako ng isang bowl ng noodles soup, bread, peanut butter spread, chips at iba't-ibang klase ng drinks pagkatapos ay nilagay ko lang sila sa basket ko.

Pinalagyan ko ng mainit na tubig at seasonings ang noodles soup upang maluto ito at mainitan ang aking sikmura.

Kaagad ko namang binayaran ang mga pagkaing kinuha ko at naupo ako sa isang lamesa upang kumain at uminom ng tubig.

Naglagay ako sa tinapay na kinuha ko kanina ng peanut butter spread at nilagyan ko ng durog na V-cut potato chips.

Kinain ko na ito kasama ng mainit na noodles pagkatapos ay uminom ako ng tubig.

Ang sarap!

Bread with peanut butter spread and V-cut potato chips is superb!

One of the best food inventory I discover in my life.

Napaka-tahimik ng paligid ngunit malamig ang simoy ng hangin sa labas.

Tumingin ako sa langit na punong-puno ng bituin at tila'y nawala lahat ng problemang aking pinapasan.

Napaka-liwanag ng buwan at talagang kay sarap pagmasdan nito sa gabi.

Ilang oras lamang siyang sisilip at sisikat na naman ang panibagong araw.

Ngayon ay bigla na lamang akong napatanong sa aking sarili at napaisip sa mga bagay-bagay sa paligid ko.

Nasaan? Nasaan na nga ba ang tayo?

Bakit wala ka na? Ngayong masaya na ako.

Dumilim man ang langit.

Mawala man ang buwan.

Lumisan man ang araw.

Ikaw pa rin ang iibigin ko.

Namimiss na kita Trevyn, balik ka na.

Tumingin ako sa langit at tinaas ko ang kamay ko na tila'y inaabot ang kaniyang kamay mula sa langit.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin at tila'y parang niyayakap ako nito ngayong madaling araw.

Trevyn, ikaw ba yan? Ipipikit ko ang mga mata ko at magpakita ka sa akin.

Gusto kitang makita at mahagkan.

Kahit ngayong madaling araw lang.

Kahit isang saglit man lang.

Pagbigyan mo na ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang may malakas na hangin na yumayakap sa akin ay nakita ko si Trevyn na nakangiti sa akin at inilalahad niya sa akin ang kaniyang mga kamay.

Hinawakan ko ang mga palad niya at tinitigan niya ako ng matagal.

"Palayain mo na ang sarili mo, mahal ko. Hindi makakabuti kung ikukulong mo palagi ang sarili mo sa nakaraan. Dapat mabuhay ka sa kasalukuyan at maging handa sa hinaharap." nakangiting sabi niya sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Pero paano? Tulungan mo naman akong makalimutan ka. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, ayokong may masaktan na namang tao sa mga padalos-dalos kong desisyon. Ipakita mo sa akin ang daan patungo sa paghilom ng mga sugat sa aking puso." tila'y isa akong batang paslit at walang kamuwang-muwang sa mundo.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon