Chapter 47

25 6 2
                                    

5:18 PM

"Pasok na ako sa loob, makakaalis ka na." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Iintayin kitang makapasok sa loob bago ako umalis sa tapat ng bahay niyo." nakangiting sagot niya sa akin.

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at sinalubong ako ng mga maiinit na yakap galing sa pamilya ko.

Ang sarap sa pakiramdam.

"Anak, nagaalala kami sayo ng sobra! Saan ka ba talaga nanggaling?" nagaalalang tanong ni Mommy habang yakap-yakap niya ako sa kaniyang bisig.

"Natutuliro na kami nina Mommy, kulang na lang tumawag na kami ng pulis para ipahanap ka." seryosong sabi ni Kuya sa akin.

"Maupo po muna tayo doon sa sala, nakakapagod ang araw na ito." malumanay kong sabi sakanila.

Sinunod naman nila ang nais ko at naglakad kami papuntang sala upang umupo.

"Magkwento ka kung anong nangyari sayo ngayong araw, mamamatay kami halos sa pagalala sayo." malumanay na sabi sa akin ni Mommy.

"Heto ang mga nangyari, nagpaalam ako kay Mommy kanina dahil makikipag-kita ako kay Trevyn para ibalik ang jacket niya noong inaya ako na lumabas pagkatapos niyo akong i-surpresa. Nagmamadali na akong umalis kanina, hindi na ako nakakain ng almusal. Hindi na ako nagpahatid kay Manong Ernesto dahil malapit lang naman, diyan lang sa coffee shop malapit sa bahay natin. Mga isang sakay lang ng jeep ay makakarating ka na agad doon. Walang jeep agad ang nakagarahe sa sakayan kaya napilitan akong pumara na lang. Nakasabay ko ang isa sa mga schoolmates ko, si Czheandrei." mahabang kwento ko kina Mommy at Kuya.

"Tapos?" mausisang tanong ni Kuya sa akin.

"Siya ang naka-kwentuhan ko doon sa jeep. Nakarating din naman ako agad sa coffee shop. Na-late ako ng 10 mins sapagkat maraming sumasakay at bumababa ng jeep. Umorder kami ng pagkain ni Trevyn. Isang sandwich at lemonade ang inorder ko para sa akin. Binalik ko kay Trevyn ang jacket niya. Nagkwentuhan lang kami saglit at umalis na din siya agad. Habang naglalakad ako, naabutan ko ang schoolmate kong si Czheandrei na nagaantay ng jeep na paparahin niya para makapag-commute. Nagkaroon kami ulit ng kwentuhan habang nagaabang ng jeep hanggang sa nag-pass out ako." mahabang kwento ko kina Mommy ay Kuya.

"Ano?! Sinasabi ko kasi sayong kumain ka muna ng almusal, siya ang pinakamahalagang meal para mai-survive mo ang araw-araw." panenermon sa akin ni Mommy.

"Mommy, huwag ka munang mag-jump into conclusions. Hayaan mo muna siyang magkwento at magpaliwanag." kalmadong sabi ni Kuya kay Mommy.

Tumango lang ito kay Kuya at binaling agad niya sa akin ang kaniyang tingin.

"Si Czheandrei ang tumulong sa akin, dinala niya ako sa ospital na pagmamay-ari ng parents ng kaibigan niya. Siya ang nag-alaga sa akin noong nanghihina pa ako sa pagkahimatay ko. Nilagyan nila ako ng dextrose para bumalik ulit ang resistensya ko sa katawan. Binayaran ni Czheandrei ang hospital bill ko dahil siya lang ang may cash. Nangako naman ako sakaniya na ibabalik ko din agad sakaniya yon kapag naka-uwi na ako sa bahay. Itra-transfer ko na lang sa bank account niya. Inaya niya akong kumain sa karinderya. Napaka-sarap ngunit mura lang ang mga pagkain. Naalala ko noong kumakain ako doon noong elementary at junior high school para lang makatipid sa pera. Itinanong niya sa akin kung saan ang address ko, gusto niya daw na ihatid ako sa bahay para makasiguro siyang ligtas akong makakauwi. Binigay ko sakaniya. Sumakay kami ng bus at kumain kami ng itlog-pugo pagkatapos ay nakauwi na ako. Heto, nandito na ako." mahabang kwento ko kina Mommy at Kuya.

Pasyensya na kayo, kailangan kong magsinungaling sa tunay na detalye ng buong kwento.

Alam kong mali. Mali ang maging sinungaling.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon