Chapter 29

29 11 13
                                    

3:52 PM

"Okay, may announcement agad ako as your SSG Adviser. Magkakaroon kami ng meeting this week na magiging dahilan upang mawalan na naman ng pasok ang mga estyudyante. One week ang itatagal ng isang meeting namin. Gusto kong i-take yung opportunity na iyon para magsagawa tayo ng activity para sa school." kalmadong anunsiyo ni Ma'am Sheiana sa aming lahat.

"Ma'am, may suggestion po ako." nakangiting sabi ko kay Ma'am Sheiana.

"Ano yun anak?" nakangiting tanong ni Ma'am Sheiana sa akin.

"Ma'am can we do virtual meetings po? Naisip ko lang po na madali tayong makaka-communicate through social media since lahat ng estyudyante sa school natin ay may mga ginagamit na phones." nakangiting suhestyon ko kay Ma'am Sheiana.

"Also, hindi na po ganun ka-hassle ang pagpunta sa school lalo na po yung mga estyudyante nating nagco-commute lang dahil walang sasakyan." nakangiting dagdag ni Claire sa suhestyon ko kay Ma'am Sheiana.

"Kung virtual natin gagawin iyang school activity, ilang persons ang kayang i-accomodate? May naisip na ba kayo na maaring gawin kung sakaling matuloy ang plano niyo?" malumanay na tanong sa amin ni Ma'am Sheiana.

"I think, yung Google Meet po. 100 persons yung kayang ma-accomodate sa isang meeting." nakangiting sagot ni Gladys kay Ma'am Sheiana.

"Ma'am Sheiana, yung naisip ko para sa school activity ay mag-eedit kami ng pictures showing personal interests and dreams ng isang estyudyante for refreshment lang. Getting to know kumbaga. Maari siyang i-post sa Facebook pagkatapos ay lalagyan ng caption at hashtag." nakangiting suhestyon ni Vee kay Ma'am Sheiana.

"That's a good suggestion Vee, may naiisip pa ba kayong iba para marami tayong pamimilian?" nakangiting tanong ni Ma'am Sheiana sa amin.

"Naisip ko lang Ma'am, what if magsagawa tayo ng ML Tournament? Gagawa tayo ng Facebook Page pagkatapos dun natin ila-live stream. Maaring sumali ang babae at lalaki basta five persons ang line up nila based sa mga posistions ng isang team." nakangiting suhestyon ni Edward kay Ma'am Sheiana.

"Magandang idea din ang naisip mo Edward, sino pang may suggestion?" nakangiting tanong sa amin ni Ma'am Sheiana.

"Yung sa Google Meeting po, nakaisip lang po ako ng advocacy. Gagawa na lang po kami ng presentation about mental health awareness and self-love. Most of the teenagers na kilala ko, maraming pinagdadaanang pagsubok sa buhay. Nakakalimutan na nilang alagaan at mahalin ang sarili nila. Magandang purpose po yun para mabawasan ang mga taong suicidal or may addiction. Ang tao na nasa ganoong kalagayan ay nangangailangan ng makikinig at pag-unawa mula sa paligid niya. Gusto kong magsilbi yung Google Meeting na isasagawa namin para malaman ng mga estyudyante natin na valid ang nararamdaman nila. Matutunan na makinig at umunawa ng bawat tao sa paligid nila, maisapuso ang pagkakaisa para sa ikakabuti ng lahat at maipaliwanag ng maayos kung ano ang nararapat na aksyon." nakangiting suhestyon ko kay Ma'am Sheiana.

"Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang maging Presidente ng Student Council. Alam kong malinis ang intensyon mo sa paaralan at sa mga estyudyanteng kagaya mo." nakangiting puri ni Ma'am Sheiana sa akin.

"Si Ms. President pa ba Ma'am?" tumingin sa akin si Vee at ngumiti.

"Hindi lang maganda ang pisikal na kaanyuan pati na rin ang kaniyang puso." nakangiting puri naman sa akin ni Danerie.

"Magproceed na nga tayo sa purpose natin today." namumulang sabi ko sakanilang lahat.

"Si Ms. President, namumula sa compliments nila Vee." nakangising asar sa akin ni Kiel.

"Heh! Tigilan niyo ako, tulungan niyo na lang ako mag-isip ng mga suggestions para sa school activity natin." nahihiyang sabi ko kay Kiel.

"O siya mga anak, magproceed na tayo? Sino pa bang may suggestion diyan?" nakangiting tanong ni Ma'am Sheiana sa lahat.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon