Chapter 7

80.7K 3.1K 1.4K
                                    

Humalakhak si Tadhana nang makita si Fidel, ang beki niyang best friend. Panay ang harot nito sa isang kaklase nilang hindi naman namamansin. Unang araw pa lang ng klase, tatlong buwan na ang nakalipas, hinaharot na nito ang binata.

"Ang choosy naman!" singhal ni Fidel kay Ezekiel, ang kaklase nila. "Ano ba kasi ang mga tipo mo?"

Nakatingin lang si Tadhana sa kaibigan nang bumaling sa kaniya ang tingin ng binata. Nilingon siya ni Fidel at umirap ito sa kaniya.

"Ukitnana, confirmed! Si Tadhana pa rin ang magwawagi!" naiiritang sabi ni Fidel habang papalapit sa kaniya na bahagya pang hinila ang buhok niya. "Ikaw na naman, gaga ka."

Tadhana snorted and flipped her hair. "Kasalanan ko ba? Na ako ang gusto niya? Kasalanan ko ba? Na ako lang ang maganda?"

"Oo na!" singhal ni Fidel.

"Anong oras ang next class mo? Kain muna tayo sa labas. Parang gusto ko ng isaw, e. Ikaw, ano'ng gusto mong kainin?" tanong ni Tadhana sa kaibigan.

Fidel looked at her and smiled. "Tit—"

"Ukininam!" Nalukot ang mukha ni Tadhana. "Seryoso ako. Ano'ng gusto mong kainin?"

"Ti–"

Kaagad na pinutol ni Tadhana ang sasabihin nito nang subuan niya ang kaibigan ng manggang puro bagoong. Alam niyang maiinis ito dahil malansa, pero wala siyang pake.

"Ukininam, Tadhana Destin!" galit na singhal ni Fidel. "Naglang-si! Ukitnana! Nag-angot!" Tangina mo, Tadhana Destin! Ang lansa! Tangina! Ang baho!

Malakas na natawa si Tadhana habang nakatingin sa kaibigan. Panay ang punas nito sa bibig at uminom pa ng maraming tubig habang mura nang mura.

Natatawa pa rin siya nang dumako ang tingin sa grupo ng mga lalaki. Seryosong nakatingin sa kaniya si Ezekiel, ang crush ni Fidel. Classmate nila ito sa ilang subjects, hindi niya sure kung ilan, kaya madalas niya itong nakikita.

Hindi pa rin tapos si Fidel sa pagpupunas sa bibig nito nang tumunog ang bell. May pasok pala ang gaga kaya naman iniwan siya sa bench. Naglabas naman si Tadhana ng handouts at nag-review para sa next class.

Tatlong buwan na mula nang magsimula ang klase kaya nasa midterms na rin sila. Hindi naman siya nahihirapan sa klase dahil nag-a-advanced reading naman na siya, pero mas madalas siyang pagod.

"Hi."

Nilingon ni Tadhana ang malalim na boses ng lalaking naupo sa harapan niya. It was Ezekiel.

Tadhana didn't say anything. She raised her left brow and waited for anything from him. Tinitigan niya ang lalaki. Napakasimple nito, pero mukhang fuckboy. Naka-undercut sa left side, makapal ang mga kilay, at kulay brown ang mga mata tulad niya.

"Gusto mong kumain?" tanong ni Ezekiel. "Break time ko. Narinig ko kanina, niyaya mo si Fidz."

"Nagugutom ako, pero hihintayin ko na lang si bakla."

Tumango si Ezekiel, pero wala itong sinabing kahit na ano. Nag-stay lang sa harapan niya, at dahil wala rin naman siyang sasabihin, bumalik si Tadhana sa pagbabasa ng handouts.

"Tadhana?"

Huminga muna siya nang malalim para ipakita sa binata na wala siyang interes. "Ano iyon, Zeke? Kasi kung aayain mo ulit akong kumain sa labas, sinasabi ko nang ayaw ko. Kung manliligaw ka, hindi ako interesado, at kung may gusto ka sa akin, kalimutan mo na 'yan kasi ayaw ko ng relasyon."

Ezekiel licked his lower lip and Tadhana saw the grin. "I know," anito. "Alam ko naman na walang pumapasa. I am aware."

"Alam mo naman pala, e. Bakit nandito ka pa?"

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon