Keanu grew up in a household with a lot of begging. Kailangan pa niyang magmakaawa sa mommy niya para lang makausap o makita ang papa niyang nasa Japan. Kailangan niyang sumunod sa sinasabi nilang magtago siya at kailangan pa niyang mamalimos ng atensiyon.
He could clearly remember how he would cry whenever his father would come from Japan. Nasa loob lang sila ng bahay dahil bawal lumabas at baka may makakita. Cons na anak sa kasalanan, anak sa ibang babae, kaya itinatago.
Isa iyan sa ipinangako ni Keanu sa sarili. He wouldn't let his children beg for parental love.
Malakas na natawa si Sarki na ikinagulat ni Keanu. Nakaupo ang anak niya sa dining table at nanonood sa laptop kaya naman nilapitan niya ito at sinilip si Tadhana natutulog sa sofa.
"Saki, I told you we have to be very quiet. Natutulog si Naynay," ani Keanu. "Gusto mo ba ng sandwich? Huwag ikaw maingay, okay? Nanay is very sleepy."
Sarki shushed and nodded. "Sorry po."
Keanu nodded and smiled. Pumunta siya sa living area para silipin si Tadhana at nakitang nakalabas na naman ang paa ng asawa niya sa kumot habang mahimbing na natutulog. Nakanganga pa at nakayakap sa unan na binili niya noong isang araw.
Kung noong nag-aaral pa si Tadhana ay pahirapan na itong gisingin, mas lalo pala nang magbuntis.
Tadhana was already five months pregnant. Three months after the wedding, they got pregnant. Although, gusto na rin naman talaga nila lalo na at malaki na rin si Sarki. Kaya naman natutuwa si Keanu na sa pagkakataong ito, kasama na siya.
Si Keanu ang nagluluto ng pagkain nila at sinasabayan niya si Tadhana sa mga healthy food na sinabi ng doktor para maging healthy ang mag-ina niya. Noong umpisa, nahirapan si Keanu lalo nang mapadalas ang pagsusuka ng asawa niya.
Madalas itong tulog dahil masakit ang ulo, mabigat ang tiyan, at masakit ang talampakan.
Nagising si Tadhana nang maramdaman ang paghaplos sa tiyan niya at nakita si Keanu na nakatingin sa kaniya. Naka-headband pa ito. Tumubo na rin ang itim na buhok; kalahating silver, kalahating itim.
"Good afternoon, misis."
Mahinang natawa si Tadhana dahil simula nang ikasal sila ni Keanu, iyon na ang tawag nito sa kaniya lalo na at ayaw niya ng baby o kahit na ano pang tawagan. Nanay at Tatay naman ang tawag ni Sarki sa kanila.
"Nagugutom ka? Nagluluto ako ng pancake. Gusto mo? Ano'ng gusto mong drink?" tanong ni Keanu at hinaplos ang tiyan ni Tadhana. "Hi, baby, gutom ka na?"
"Ako ang gutom." Sumimangot si Tadhana. "Gusto ko lang ng tubig sana, 'Tay. Ang sakit ng paa ko, sobra."
Tumayo si Keanu at hinalikan si Tadhana sa noo. "Magluluto lang ako. Huwag ka nang tumayo. Tubig, sure ka? Ayaw mo ng fresh apple? Kabibili ko lang kanina sa palengke ng apple, puwede kong i-juice."
Umiling si Tadhana. "Sarki?" Tinawag nito ang anak nila. "Come, Naynay, Saki."
Kaagad namang tumakbo si Sarki papunta kay Tadhana. Bumili sila ng mas malaking sofa pagkatapos ng kasal kaya naman medyo may kalakihan na iyon kung saan kasya ang mag-ina. Humiga si Sarki sa tabi ni Tadhana at niyakap ang ina.
Tawa nang tawa si Tadhana nang pupugin siya ng halik ni Sarki, pero sinabihan ni Keanu na mag-iingat lalo na at may kalakihan na ang tiyan niya. Malambing ang anak niya, mana sa ama, kaya naman sa buong pagbubuntis, busog sa pagmamahal si Tadhana.
Ito ang hindi naranasan ni Tadhana noong ipagbuntis niya si Sarki kaya naman ipinagpapasalamat niyang hindi siya pinahirapan ng panganay.
"Okay ka lang?" tanong ni Keanu nang ibaba nito ang pinggan sa coffee table. "Panay ang tulog at ngiwi mo, e. Nahihirapan ka ba?"
