Epilogue

105K 3.7K 2.9K
                                    

Ipinaiikot ni Sarki ang ballpen sa kamay habang nagbabasa ng reports ng Tomihari Real Estate nang bumukas ang pinto niya. It was Keanna, his sister, na kaagad dumeretso sa kama at nahiga.

"Busy ka, Manong?" tanong ni Keanna sa kuya niya. "Parating na raw ang mga Azienda. Hindi ka pa naliligo."

"Mabilis lang naman akong maligo," natatawang sagot ni Sarki. "Naka-reserve na rin naman ang transient house na tutuluyan nila. Tumawag ako kanina at nalinis na raw. Dito raw ba sila dederetso?"

Tumango si Keanna at tumagilid ng higa. "Makikita mo na ulit si Juana."

Sarki snorted. "Ano naman?"

"Wala lang," nang-aasar na ngumiti si Keanna. "Anyway, Kuya, may tanong ako."

Kaagad na ibinaba ni Sarki ang mga papel na hawak, pati na ang ballpen bago humarap sa kapatid para makinig. "Ano 'yon?"

Huminga nang malalim si Keanna at naupo. Naka-Indian sit siyang nakaharap sa kuya niya. "Kasi, Kuya . . . may nakilala akong taga-Manila. Okay naman siya, nakilala ko siya dahil kay Lyca. Magpinsan sila. 'Tapos ano . . ."

"Gusto mo siya?"

Hindi kaagad nakasagot si Keanna at nilaro ang kuko dahil kinakabahan. Alam niyang medyo mahigpit ang Kuya Sarki niya pagdating sa mga manliligaw niya, at kung tutuusin, mas mahigpit pa ito sa tatay nila.

"Ano nga?"

Keanna bit her lower lip. "Gusto ko kaso baka ayaw mo."

"Bakit, ako ba ang liligawan niya?" natatawang tanong ni Sarki. "Twenty-three ka na sa isang buwan, Kea, desisyon mo na 'yan. Kung gusto mo siya, basta ba hindi siya gago, e 'di sige. Pero kung sakali man, huwag mong susubukang umuwing luhaan kasi sasakalin ko siya."

Nanlaki ang mga mata ni Keanna na napatitig kay Sarki. "Grabe!"

Sarki chuckled and shook his head. "Bahala ka sa desisyon mo, Kea. Basta sinabihan na kitang palagi kang mag-iingat. Kung sakali man, kilalanin mo na muna bago ka pumasok sa isang commitment."

"B-Bakit ikaw, kilala mo naman na, ah?"

Kaagad na tumayo si Sarki at umirap. Kinuha niya ang towel sa likod ng pinto at mahinang hinampas si Keanna. "Maliligo na 'ko, lumabas ka na roon. Uulitin ko, Keanna Virginia, mag-iingat ka sa mga bago mong kilala."

"Bakit sina Nanay at Tatay? 'Di ba, 'yong lov—"

"Ibang kaso iyon," diin ni Sarki. "Iba si Tatay, pero ikaw pa rin ang magdedesisyon. Ngayon, puwede ka na bang umalis? Tumulong ka kina Nanay na magluto! Baka puro ka na naman chat!"

Keanna snorted. "Palagi na lang change topic!"

Naiiling lang na pumasok si Sarki sa bathroom para maligo. Tumingin siya sa salamin at mahinang natawa. Kahit na dalaga na ang kapatid niya, adult na nga kung tutuusin, marespeto ito sa kaniya at palaging nagtatanong ng thought tungkol sa isang bagay.

Pagbaba ni Keanna, naabutan niya ang parents niyang nakaupo sa living room. Nakaakbay pa ang tatay niya sa nanay niya habang pinag-uusapan ang tungkol sa pagdating ng Tito Juancho nila kasama ang asawa at anak nito.

"Maayos na raw po ang transient nila, 'Nay," sabi ni Keanna na naupo sa tabi ni Keanu. "Tinawagan na raw ni Kuya 'yung mga naglilinis at maayos na."

"'Buti naman," sagot ni Tadhana. "Nagpabili na rin ako ng paboritong Black Forest ni Yuan sa Good Taste. Naalala ko noong last na punta nila rito, halos araw-araw pa."

Keanna chuckled and breathed. "May sasabihin po pala ako."

"Buntis ka?" gulat na tanong ng nanay niya.

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon