Chapter 15

84.2K 3.4K 845
                                    

And Keanu wasn't kidding about coming to Baguio. Friday night, dumating na ito at dumeretso sa kanila para kumustahin si Sarki. Hindi pa rin maayos ang pakiramdam ni Tadhana dahil sa sipon at ubo. Hindi rin siya pumasok sa araw na iyon.

"Sabi sa 'yo, puwede naman sigurong mag-formula si Sarki," ani Keanu habang nakaupo sa sofa. It was already ten in the evening. "Gusto mong dalhin natin siya sa pedia para magtanong?"

Umiling si Tadhana at naupo sa sofa habang hawak ang mug na mayroong mainit na gatas. "Kaya ko pa namang mag-produce ng milk for him. Wala ka bang tiwala sa padede skills ko?" Tiningnan siya nang masama ni Keanu. "Kaya ko pa, huwag kang mapilit."

"Whatever." Keanu gave up and played with Sarki.

Tulog na rin ang parents ni Tadhana. Dahil matatanda na, nine pa lang ng gabi, inaantok na. Si Sarki naman, active pa, lalo na at nilalaro pa ito ng ama. Tadhana was focused on watching the television when Keanu broke the silence.

"Kumusta na pakiramdam mo? Nag-okay ba sa gamot?" tanong ni Keanu. "Sinabi sa akin ng mommy mo na nagpa-check up ka na kanina."

"Oo, okay na." Tadhana nodded without looking at Keanu. "Saan ka pala tutuloy ngayong gabi? Dito ka na ba dumeretso?"

Keanu nodded and fixed Sarki's pacifier. "Oo. Baka doon na lang ako mag-check in sa hotel kung saan kami nag-conference para malapit lang kahit paano. May dala rin naman akong kotse."

Hindi na sumagot si Tadhana at nagpatuloy na lang sa panonood ng TV. Hindi pa nila nabubuksan ni Keanu ang topic tungkol sa sinabi nito may ilang araw na ang nakalipas.

Napapaisip si Tadhana dahil iyon ang kinatatakutan niya—ang masira ang kung ano ang mayroon si Keanu dahil nalaman nito ang tungkol sa anak nila. Natatakot siya na baka magbago ang buhay nito at ayaw niyang mangyari iyon.

"Hindi ako sanay kapag sobrang tahimik ka." Mahinang natawa si Keanu. "I mean, ever since na nakilala kita, may kuwento ka, e. What's wrong?"

"Wala," pagsisinungaling ni Tadhana.

Keanu snorted and chuckled. "Hindi bagay sa 'yong nagsisinungaling. Mukha kang natatae."

"'Tang ina mo," walang boses na sabi ni Tadhana at bibig lang ang gumalaw. "May iniisip lang ako. Actually, iniisip ko ang tungkol sa sinabi mo noong nakaraan. Tungkol sa pagtira mo rito sa Baguio."

"Ano'ng tungkol doon?" tanong ni Keanu bago tumayo dahil medyo nagloloko si Sarki. "Gusto mo na bang pag-usapan ang tungkol sa plano ko?"

Tumingala si Tadhana kay Keanu. "Hindi naman kasi basta-basta 'yung planong gusto mo. Marami kang dapat isipin. Pros and cons, i-weigh-in mo muna lalo na at may trabaho ka. Wala kang kakilala rito sa Bag—"

"I have you and Sarki," pagputol ni Keanu sa sinasabi ni Tadhana. "If ever naman sigurong mag-stay ako rito, hindi mo naman ako pababayaang maging mangmang dito sa lugar, 'di ba? Please, I j-just wanna stay here for Sarki."

"Keanu . . ." Tumayo si Tadhana at dumeretso sa kusina dahil naisipan niyang magluto ng pancit canton.

Bukod sa nakaramdam siya ng craving sa maanghang na pagkain, gusto rin niyang umiwas sa topic. Ayaw niyang marinig ang mga puwedeng sabihin ni Keanu. Ayaw niyang malaman ang plano, dahil ayaw niyang umasa.

Maraming takot dahil paano na lang kung maisipan pala ni Keanu na hindi pala iyon ang gusto nitong buhay? Paano si Sarki? Paano ang anak niya? Maiiwanan na rin mag-isa?

Sumunod naman sa kaniya si Keanu habang buhat si Sarki. "Nasa Manila ang buhay mo, ang trabaho mo. Ang suggestion ko lang naman, why not na weekend ka na lang magpunta rito. May kotse ka naman. Mabilis naman ang biyahe since may TPLEX na. 'Tapos balik ka na lang kahit Sunday ng hapon."

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon