Chapter 24

80.5K 3.6K 2.9K
                                    

"Na-miss kita, Tadhana Destin."

Inirapan ni Tadhana si Keanu at mahina itong sinuntok sa braso. "Gago ka, ang tagal mong umuwi! Na-miss din kita, gunggong ka. Walang maalat na adobo, walang sandwich, at walang mainit na gatas!"

Keanu chuckled and held Tadhana's hand to pull her for a hug.

"Na-miss kita," he whispered against Tadhana's shoulders.

"Siraulo ka. Ang tagal mong wala, akala ko, kinalimutan mo na 'ko. Para 'kong tanga na naglalagay ng marka sa calendar ko, nagbibilang ako kung ilang araw na kasi ang tagal mo," mahinang sabi ni Tadhana. "A-Akala ko, kinalimutan mo na 'ko."

Hindi bumitiw sa pagkakayakap si Keanu at mas hinigpitan pa nga iyon, walang pakialam sa ibang taong nakatingin. Keanu even kissed Tadhana's shoulders without saying anything.

"Dito ka ba dumeretso o galing sa bahay?" tanong ni Tadhana.

"Dito," Keanu whispered before pulling away. "May gagawin ka ba? May klase ka pa?"

Tiningnan ni Tadhana ang relong suot niya bago muling tumingin kay Keanu. "Wala naman akong ibang gagawin. Nagbabalak na lang akong pumunta saglit sa mall, maghahanap ng mabibili."

"Date tayo."

Kumunot ang noo ni Tadhana habang nakatitig kay Keanu. "Tanong ba 'yan o statement?"

"Statement." Mahinang natawa si Keanu. "Tadhana, tayo na lang."

"Hindi mo ba 'ko tatanungin ng will you be my girlfriend? 'Di ba, dapat gano'n, hindi 'yong paladesisyon ka?" Inirapan ni Tadhana si Keanu. "Gusto mo agad? Walang tanong?"

Ngumiti si Keanu habang nakatitig sa mukha ni Tadhana. "'Langya, na-miss kong makipagbangayan sa 'yo. Ano ba'ng gusto mong pagtatanong? Gusto mo bang lumuhod pa ako para tanungin kung puwede bang tayo na lang?"

"Puwede naman." Napaisip si Tadhana. "Para unique. Para kunwari, makikita ng ibang tao rito, nagpo-propose ka na ng kasal sa 'kin."

"Hoy, Tadhana Destin, tinatanong ko pa lang kung puwede kang maging girlfriend, wedding proposal kaagad nasa isip mo! On second thought, oo nga pala, advanced kang mag-isip," ani Keanu. "So ano, gusto mo, lumuhod ako?"

Tadhana's left brow raised. "Sige nga, sample."

"Huwag mo 'kong sinusubukan, Tadhana."

Nagulat si Tadhana nang unti-unting lumuhod nga si Keanu. Her heart pounded and she started panicking that she immediately held onto Keanu's arm to stop him.

"Oh, bakit?"

"Huwag." Tadhana's voice quivered. "I-I was just joking. Umayos ka ng tayo. Nagbibiro lang ako."

Ipinalibot ni Tadhana ang tingin sa paligid. Proud naman siya kay Keanu, pero bigla siyang nakaramdam ng hiya para sa sarili. Sanay naman siyang maging topic of the day, pero palaging negative, at bigla niyang naisip na baka si Keanu naman ang husgahan dahil sa kaniya.

Keanu saw the glint on Tadhana's eyes. Kahit na sinubukan nitong ngumiti, nahalata niyang may mali.

"Tadhana, do we have a problem?" he asked. "May problema ba tayo? If yes, let me know."

Umiling si Tadhana at sinalubong ang tingin ni Keanu. "W-Wala."

"Tadhana." Keanu breathed.

"Kasi naman! Ang daming nakatingin. Baka mamaya, iniisip nila, sayang ka kasi sa 'kin ka lang magpo-propose. Bak—"

Tinanggal ni Keanu ang pagkakabulsa ng mga kamay niya at matamang nakatitig kay Tadhana. Gusto niyang marinig ang sasabihin nito, pero bigla na lang tumigil.

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon