Parenthood changes people. Tadhana and Keanu were the perfect example because when they had Sarki, their life changed 360. There were pros and cons, but they only valued all the positivity, and enjoyed being a family.
Sa isang buwan na pinili nilang maging official, walang nagbago sa samahan nila bukod sa hindi na basta minimum ang communication. Hindi rin naman minimum noong hindi pa sila, pero mas naging open na sila sa lahat ng bagay, hindi katulad noon na mayroon pang restrictions. Mas naging physical na rin sila, hindi tulad noon na palaging may malaking pader na nakaharang sa kanila.
"Hindi ka pa inaantok?" tanong ni Keanu.
Tumabi siya kay Tadhana na nanonood ng pelikula sa living area ng bahay nila. Seryoso itong tutok na tutok habang pinadedede si Sarki na nakatulog na kahit malakas ang speaker ng TV.
"Hindi pa. Wala naman akong pasok bukas," sagot ni Tadhana. "Matulog ka na kung inaantok ka na. Ako na bahala kay Saki."
"Hindi pa ako inaantok." Inabutan ni Keanu ng unan si Tadhana nang mag-stretch ito ng ulo na parang masakit ang leeg. "Sumasakit pa likod mo?"
Umiling si Tadhana. "Medyo lang naman. Nakakangawit lang 'tong si Singkit, ang sakit na sa likod! Napakabigat na rin, e."
"Sabi ko naman kasi sa 'yo, 'wag na siyang mag-breastfeed. Malakas na rin naman na siyang mag-solids kaya puwede na rin 'yung extracted milk mo o kaya bibili na lang tayo ng formula."
"Ayaw ko nga!" Protesta ni Tadhana at ngumuso pa. "Ito na nga lang ang bonding namin nitong bulinggit na 'to, e."
Mahinang natawa si Keanu at humarap sa TV para manood tulad ni Tadhana. Hindi siya pamilyar sa pinanonood nito, pero mukhang seryoso.
"Ano'ng title niyan?" tanong niya. "Parang ngayon ko lang 'yan napanood."
Nanlaki ang mga mata ni Tadhana na nakatingin sa kaniya at parang nagtataka. "Gagi, seryoso? Ang ganda kaya niyang movie na 'yan! That's Easy A. Si Emma Stone ang bida and I kinda like the movie. Paulit-ulit na nga ako riyan, e."
"What's the story's about?" Keanu asked. "Kung ayaw mong ikuwento, it's okay. I'll just watch it."
Expected na ni Keanu na magkukuwento si Tadhana tungkol sa movie. Gusto nitong nagkukuwento sa mga napanood na at may action o dialogues pang nakakatawa.
"What I like about the movie, ipinapakita na ang bilis mag-judge ng mga tao kahit na wala naman silang solid proof. Like, it was so easy for them to say things about a person without even knowing the truth."
Nilingon ni Keanu si Tadhana at may ngiti sa labi nito, pero halata ang lungkot sa mga mata. Hindi siya magtatanong dahil mas gusto rin niyang hayaang magkusa itong magsabi sa kaniya.
"Madalas pa na kung sino ang malapit sa 'yo, sila ang unang doubters mo," ani Tadhana at sinalubong ang tingin ni Keanu. "Makatitig naman! Ano'ng meron?"
Keanu shook his head and smiled. "Wala naman. Gusto ko lang makinig. Tuloy mo lang."
"Ay." Umayos ng upo si Tadhana. "Naalala mo ba 'yung mga friend ko noong unang kita natin years ago? 'Yung mga babae?"
Tumango si Keanu dahil oo, naaalala pa naman niya iyon. "Oo, bakit? Bakit nga pala hindi mo na sila nakakasama? Kasi noon, parang solid naman kayo, e."
"Solid talaga kami!" Tadhana proudly uttered, but was immediately replaced with a bitter smile. "Noon. Nakilala ko lang naman si Fidel noong semester after nating magkakilala. Naging kaklase ko siya. Naging close naman kami kasi palagi niyang inaayos 'yung kilay ko."
Ngumiti si Keanu habang nakatingin kay Tadhanang hinaplos ang kilay at sinabing sabog na pala ulit kaya kailangan nang paahitan para magkaroon ng korteng mukhang maldita.