Chapter 22

83.2K 3.6K 2.3K
                                    

Tumingin si Tadhana kay Keanu nang mapatulog nito si Sarki at bumulong, "'Buti hindi ka nabo-bore dito sa Baguio? Six months na simula noong huling uwi mo sa Manila, e. Hindi mo ba nami-miss buhay mo roon?"

"Hindi." Nakatingin si Keanu kay Tadhana na nagha-hanger ng mga damit nila sa closet habang tinatapik naman niya si Sarki. "Okay naman ako rito. Naka-adjust na ako umpisa pa lang."

It had been eight months since they lived together. Simula rin noong nakarating sila galing sa Manila, hindi na umuwi si Keanu. Nagkausap na sila ng mommy niya over the phone, pero matigas ito na ayaw nito kay Tadhana.

And Keanu didn't mind.

Pareho sila ni Tadhana na walang pakialam tungkol sa bagay na iyon. Sinabi nito sa kaniya na hindi na ulit ito gagawa ng efforts para sa mommy niya. Kung ayaw, e 'di, ayaw—at parehong iyon ang katwiran nila.

If his mom couldn't accept the life they had, then so be it.

Hindi kaagad naghanap ng trabaho si Keanu nang makarating sila sa Baguio. Instead, Keanu made a plan on how he would work, on what to do, on when to move, but the priority was Sarki.

Pumapasok sa school si Tadhana kaya naman kailangang maging maayos ang magiging plano nila.

And what Keanu liked about their companionship was communication. With every move that involved one another and Sarki, they would sit on it and talk about the possibilities. One thing na natutuhan din ni Keanu kay Tadhana, palagi itong nag-iisip ng pros and cons. It was a good thing because they were able to lay all the plans properly and decided on what step to take.

Tulad ng araw-araw na buhay nilang tatlo, nagising si Tadhana dahil mayroon siyang klase nang nine ng umaga. Pagbaba niya, naabutan niya si Keanu na nakaupo sa sofa at inaayos ang mga laruan ni Sarki habang naglalaro naman ito sa carpet.

Humarap si Tadhana sa salamin para ayusin ang basa pang buhok nang makita ang brown paper bag na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi siya sigurado kung ano ang flavor ng sandwich of the day ni Keanu dahil may ganoon itong ginagawa.

Araw-araw, walang palya. Keanu would surprise her with different sandwiches. Minsan, ham and cheese. Minsan, egg sandwich na ito pa mismo ang gumawa at na-search ang recipe sa YouTube.

It was a simple gesture, but Tadhana appreciated all the effort lalo na at hindi niya kailangang gumising nang sobrang aga para lang mag-prepare dahil nakaayos na ang lahat.

Sabay-sabay silang nag-breakfast, and for the past eight months of living together, nakikita ni Tadhana kung gaano kaasikaso si Keanu sa anak nila. Keanu would even sacrifice his peace and good night sleep for their son. Mas madalas pang siya na ang nahihiya dahil sa sitwasyon nila, pero iniisip na kaunting-kaunti na lang dahil matatapos na rin siya sa pag-aaral.

While in the car, Tadhana was playing with Sarki. Natatawa si Keanu dahil panay halakhak ng mag-ina niya, and he knew he could listen to it all day.

Bago bumaba ng kotse, napapailing na inabot ni Keanu ang payong ni Tadhana na palagi nitong naiiwan sa front seat ng kotse niya. "Palagi na lang, Tadhana Destin!"

Kaagad na kumunot ang noo ni Tadhana at sumilip kay Keanu. "Ay, bakit full name, ha, Keanu Yves Tomihari?" pang-aasar niya. "Mukha kang inaantok, ugok. Iwanan mo na muna si Saki kina Mommy. Magme-message din ako mamaya sa kanila para makatulog ka."

"Ok—"

"Tigilan mo ako sa okay mo, Tomihari." Naningkit ang mga mata ni Tadhana. "Matulog ka na muna. Hayaan mo na muna si Saki sa kanila at gusto rin nilang maka-bonding."

Keanu chuckled and gave Tadhana a nod. "Oo na. Good luck sa presentation mo mamaya. Susunduin na lang kita."

Tadhana nodded and waved to say goodbye.

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon