Napatitig si Tadhana kay Keanu na nag-iwas ng tingin at kaagad na bumitiw sa kamay niya. Yumuko ito bago tumayo.
"Ako na kukuha ng pagkain ko. May tubig ka ba?" Tiningnan nito ang lamesa at wala nga kaya mahinang natawa. "Ako na kukuha."
Walang kahit na anong naisagot si Tadhana sa sinabi ni Keanu. She was speechless, unmoving, and was trying to analyze what Keanu said.
Mahal na yata. Wala namang kita kaya ayaw mag-isip ni Tadhana ng kahit na ano.
Casual siyang naupo sa balcony at tumingin sa kalangitan. Nagpapasalamat siyang walang fog kaya naman kita ang langit na puro star.
"Here." Iniabot ni Keanu ang bote ng tubig, pero may kasama ring juice dahil alam nitong hindi siya sanay na tubig lang.
Naupo si Keanu sa isa pang maliit na sofa na nasa balcony at casual na kumakain habang si Tadhana, nag-iisip kung tama ha ang narinig niya.
"Kea—"
Tumingin si Keanu kay Tadhana. "Kita. Mahal na yata kita. That's what I wanted to say, I was just . . . nervous."
Kinagat ni Tadhana ang labi dahil hindi alam ang isasagot.
"Wala kang dapat sabihin. If the feeling isn't mutual, don't overthink, okay?" nakangiting sabi ni Keanu. "Kung hindi ka comfortable, huwag mo na lang isi—"
"Huwag isipin? Baliw ka ba?" Nakakunot ang noo ni Tadhana nang magsalubong ang tingin nila. "Maiisip ko na 'yan dahil sinabi mo."
Keanu breathed. "Look, I'm sorry."
"Bakit ka nagso-sorry? Nagso-sorry ka because?"
Matagal na nakatitig si Keanu kay Tadhana dahil natawa siya lalo nang ngumiti rin ito dahil pareho nilang naalala ang video nina Kim Chiu at Kris Aquino.
"Mahal mo 'ko, because?" Niloloko ni Tadhana si Keanu.
Keanu shook his head and chuckled without saying anything.
"Keanu." Tadhana breathed. "What if sanay ka lang sa presensya ko? What if akala mo, mahal mo 'ko, pero ang totoo, you're just in love with the idea of a complete family? What if . . . akala mo, mahal mo 'ko, but you're just too used to my presence lalo na at halos kasama mo 'ko araw-araw?"
Natahimik si Keanu.
"I'm not invalidating your feelings. Hindi ko pinagdududahan ang sinabi mo, but let's be real. We're too used to each other's presence. We're too comfortable. We're too attached to the idea of a complete family," Tadhana calmly said. "No joke. What if you're just in love with the idea of giving Sarki what we didn't experience?"
Napatitig si Keanu kay Tadhana dahil nasabi nito ang mga tanong na ilang linggo na niyang pinag-iisipan.
"I was asking the same thing," pag-amin ni Keanu. "I mean, alam ko naman kung ano ang pinasok natin. Na sa tuwing nakatingin ako sa 'yo, baka sanay lang ako na palagi kitang nakikita. Na baka in love ako sa idea na mayroong kayo ni Sarki, na baka . . ." Napailing na lang siya. "Hindi ko na alam, Tadhana."
Yumuko si Keanu at naramdaman ni Tadhana ang struggle nito tungkol sa iniisip.
"Let's be real and be adults and matured about this, Keanu. Hindi ito joke. Umpisa pa lang, we are both sure about the setup, right? Everything's for Sarki. Pero lately, dumarami na ang what-ifs natin," Tadhana responded. "W-What if what if we part ways for a moment? What if hinga muna tayo at maghiwalay muna? Kasi . . . baka akala mo lang 'yan dahil sanay kang kasama ako."
Kaagad na nag-angat ng tingin si Keanu kay Tadhana. Nakatitig ito sa kaniya na parang naghihintay ng isasagot niya. "W-What do you mean?" He stuttered.
"Baka kailangan na muna nating maghiwalay, Keanu."