Chapter 19

65.3K 3.3K 3.5K
                                    

Nakatitig si Tadhana sa kisame dahil wala siyang tulog. Namamahay si Sarki kaya naman buhat niya ito buong magdamag para hindi magising si Keanu.

Isang kuwarto lang ang tinulugan nila, kuwarto ni Keanu. At nang ipalibot niya ang tingin sa silid, simple lang at walang arte. May mga gaming console, may gitara, may mga poster ng ilang banda, at typical na kuwarto ng lalaki. Navy blue ang theme at mayroong makapal na kurtina.

Tumingin si Tadhana sa orasan. Ala-singko na ng umaga. Inaantok na siya, pero pagising na ulit si Sarki na nasa ibabaw niya. Si Keanu naman, tulog na tulog pa rin.

Buong maghapong nilaro ng mommy ni Keanu si Sarki. Nangilala ang anak nila at ayaw sumama kung kanino, pero matiyaga naman ang ginang. Sumalampak ito sa carpet habang hinahayaang maglaro ang bata.

Nakita ni Tadhana ang tuwa sa mga mata ni Keanu dahil magkakilala na ang anak nito at ang ina.

Maayos naman ang pakikitungo ng mommy ni Keanu sa kaniya. Naka-focus ito kay Sarki kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap.

"Hey." Mahina ang boses ni Keanu kaya nilingon niya ito. "Nakatulog ka ba?"

Tango ang isinagot ni Tadhana. Nagsinungaling siya para hindi na humaba ang diskusyon.

"Aalis ako maya-maya," inaantok na sabi ni Keanu. "Kailangan kong pumasok sa office. Magiging okay ka lang ba rito? Kung hindi ka comfortable sa baba, okay lang naman na mag-stay kayo ni Sarki rito sa kuwarto."

"Okay lang," mahinang sambit ni Tadhana. "Ayos din naman na maka-bond ng mommy mo si Sarki."

Matipid na ngumiti si Keanu. "Thank you ulit, ha? Natutuwa ako na, finally, nakilala na kayo ni Mommy. Medyo . . . nahirapan din kasi ako kung paano ko sasabihin, e. Mabibigla kasi."

Hindi sumagot si Tadhana. Mahina lang ang boses ni Keanu at halatang inaantok pa. Hindi rin siya nagkamali nang bigla na lang itong mahinang humilik pagkatapos magsalita. Inaantok pa nga talaga.

Nanood na lang si Tadhana ng random video sa YouTube nang hindi gumagalaw para makatulog si Sarki. Panay ang hikab niya, pero hindi na siya makakatulog lalo na at umaga na. Siya pa ang gumising kay Keanu dahil aalis ito ng alas-otso ng umaga.

Habang kumakain ng almusal, kalong ni Keanu si Sarki, pero kinuha ni Tadhana para siya na ang magpakain dahil naka-office attire na ito.

"Papasok ka sa office?" tanong ng mommy ni Keanu. "Ingat ka sa pag-drive. Kumusta naman pala ang work mo?"

Ngumiti si Keanu at sinubuan muna si Sarki na nakaupo sa lap ni Tadhana na nasa tabi niya. "Okay naman, Mom. Wala namang problema. We're all good."

"Mabuti naman at pumapasok ka na ulit dito. Akala ko nga, magre-resign ka para lang tumira sa Baguio." Keanu's mom chuckled. "Anyway, mabuti na lang at bumalik ka na. Ano pala ang plano ninyo ni Tadhana?"

Tahimik na nagkatinginan sina Keanu at Tadhana.

"About getting married or something?" tanong ulit ng mommy ni Keanu.

"About that." Ibinaba ni Keanu ang spoon and fork.

Napag-usapan nila ni Tadhana na hindi sila magsisinungaling tungkol sa estado ng relasyon nilang dalawa dahil wala naman talaga. They were nothing aside from being parents to Sarki.

"We're not really together like that, Mom," ani Keanu. "We talked about not being in a relationship. So, we're living together for Sarki."

Nakita ni Tadhana kung paanong nagbago ang expression ng mukha ng mommy ni Keanu habang nakatingin sa kanilang dalawa bago tumango-tango at hindi na nagtanong ulit.

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon